45. Fyro's Wrath

24.2K 1.3K 52
                                    

August's POV

Halos maghimagsik ang kalooban ko ng magtagumpay sila na maipasok ako paloob sa palasyo. Walang nagawa ang pagsisigaw ko para bitiwan nila ako. They are now all in chaos because of Fyro's presence.

"Mag ingat kayo! Hindi basta-bastang kalaban ang welches sprite!" Dinig kong saad ng isang kawal.

Kinakabahan ako dahil si Fyro ang kakalabanin nila. I once witnessed his ability and he can wipe out this entire land with his mere white fire alone. He can turn everything to ashes and there is no exception at yan ang ikinatatakot ko. These people are ignorant. Nasan na ba si Cayden? They can stop this nonsense pero nasan ang lalaking yun? Nasan din ang hari at reyna?

"Buksan niyo itong pintuan! Palabasin niyo ako dito!" Himagsik ko dito sa loob ng kuwarto. This thick door won't even budge no matter how I slam the door hard.

Napalapit ako sa bintana pwede yun mabuksan pero imposible naman tumalon doon dahil derecho yun sa karagatan. Nakikita ko din ang naglalakihang mga alon at alam ko na isang kabaliwan kung tatalon ako dun. Pero kung wala akong gagawin ay hindi ako makakalabas dito sa kuwarto.

Nagimbal na lang ako ng marinig ko ang malakas na atungal ni Fyro. Nakakabingi at nakakapanindig balahibo yun. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayare sa labas at hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko para makalabas sa pesteng kuwartong ito.

•••

Author's POV

Lahat ng mga kawal ay nakahanda sa pag-atake ni Fyro. Lahat ay nagtataka kung bakit umaatake ang nilalang na kung noon ay hindi naman ito ganun. Lumilipad lang ito sa paligid at pagkatapos ng buong araw ay aalis din ito kaagad.

"Paligiran ang buong palasyo!" Sigaw ng general ng buong hukbo. Nakasuot ito ng kulay silver na armor at may dala din itong isang malaking kalasag.

Napapaligiran na rin ang buong palasyo at inilabas din ng mga ito ang mga kanyon. Lumabas din ang mga knights na parehong mga may abilidad at nagsimula na silang gumawa ng barrier. Hindi man ito singtibay ng barrier na nagagawa ng mga maharlika pero sapat na yun para hindi kaagad ito masira ni Fyro.

Isang maugong na tunog ang pinakawalan ni Fyro na naging dahilan para mayanig ang katubigan. Kahit ang palayong kinatatayuan nila ay nanginig dahil sa ugong.

"Fire!" Sigaw ng heneral at naging hudyat yun para magpakawala ng mga pana.

Parang umuulan ng pana sa kalangitan at patungo lahat yun kay Fyro. Marami ang tumama kay Fyro pero hindi ramdam ni Fyro ang mga yun. It did not made him budge pero nairita lalo si Fyro kaya mas lalong umatungal na naman ito na yumanig na naman sa paligid. Sa pag ulan ng pana ay sumabay na din ang pag-ulan ng apoy.

Mas lalong nagalit si Fyro na naging dahilan para atakihin nito ang barrier na ginawa ng mga Knights. Unang atake pa lang ay biglang nagkaroon na ng crack ang barrier na ikinabahala ng mga kawal. Walang tigil sa pagbangga si Fyro. His sharp claws are digging the barrier and even tried to bite the barrier na unti unting dumadami ang crack.

Habang sa kabilang panig naman sina Angel Grace, Pearl at Ehr Marie ay hindi rin nila kayang pigilan ang pagwawala ni Fyro. Hindi sila makalapit. Hindi nila alam kung paano pigilin ito dahil galit na ito. This is the thing that must be avoided with welches sprites. Ang galitin sila.

"Shit, nasaan ba sina Prince Cayden? Bakit wala sila rito?" Naiinis na tanong ni Angel Grace. "We can't stop Fyro and I cannot find August!"

"Papa is in Tierraguzam, he has a meeting with the Earth Lord." Sagot naman ni Pearl. "I don't know if he knows already about Fyro, but maybe someone already informed them already.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now