66. Chains and Pain

24.3K 1.1K 122
                                    

August's POV

Why do birds....suddenly appear....
Everytime, you are near....
Just like me....we're long to be....
Close to you....

Napamulat na lang ako ng aking mga mata ng marinig ko ang kantang yun. It was an old and familiar song. But I was disoriented when I felt the cold ground and rusty scent of my surrounding.

Biglang napabangon ako sa aking pagkakahiga at napatingin sa paligid. It was dark with only one torch lit at nasa sulok yun. I can even hear a drop of water on somewhere na hindi ko matukoy kung saan. Napansin ko rin na nakahiga ako sa malamig at sementadong sahig.

Napatingin naman ako sa aking kamay ng maramdaman ko ang malamig na bakal na nakapalibot sa magkabilang pulsuhan ko. It was a thick cuffs and it was connected with chains rooted on the wall that is made of rocks.

Biglang kinabahan ako. The last thing I remember is I was strangled to death by Dani and I lost consciousness. Without a doubt, alam ko kung ano ang kinasadlakan ko. I was held captive and I can only think of one person who can do this. Only Dani dahil siya ang sumakal sa akin kanina.

Tumayo ako and I tried to break the chains pero hindi ko magawa. Masyadong makapal ang mga yun. I even tried to wish to break the chains pero laking panlulumo ko na lang dahil hindi yun gumagana. Alam ko na hindi pa ako ganun ka experto sa aking kapangyarihan. Kakasimula ko pa lang itong pag-aralan kaya alam ko na hindi yun basta-bastang gagana. I tried to teleport, kung saan ay magaling ako pero hindi gumana yun. Pakiramdam ko ay wala akong kapangyarihan at lahat lang ng yun ay imaginasyon ko. Pero alam ko na may kung ano sa kulungan na ito na pumipigil sa kapangyarihan ko.

Parang gusto kong maiyak. Nakayapak lang ako sa malamig na semento and I don't know where the fuck I am. I tried so hard to tug again the chain pero ni hindi man lang yun matibag.

I am starting to get frustrated. I can only see one door there and it was made of steel. There is no window and there is only one way to escape and only through that door. I tried to extend the chain pero hanggang kalahati lang ng silid na yun ang naaabot ko.

"Fuck!" Napamura na ako. Wala akong maisip na paraan para makatakas. What the fuck should I do? This is not a freaking regular kidnapping situation! And I don't have anything with me to break off these chains! "Shit, I need to do something."

•••

Misha's POV

Nakatulalang nakatingin ako sa kawalan. The class has ended at pauwi na ako sa dorm. I still can't believe that I am going back to Earth. Kung noon pa sana ito nangyari ay baka ako na ang pinakamasayang tao sa mundo, but now it feels like I don't want to come home at all. Pakiramdam ko ay parang mababasag ako oras na aalis na ako.

I cannot deny the fact that I grew to love this world kahit hindi naman talaga ako nababagay dito. I learned to love the people and I am already attached to them even though I was with them for only short period of time. Lalo na kung iisipin ko na babalik ako sa mundo ko na hindi ko na makakasama si August. Hindi ko na siya makikita, ang kaisa-isang bestfriend ko. And there is Lucas. Ang kauna-unahang lalaking minahal ko ay hindi ko na rin makakasama.

I have this side na ayaw ko ng umalis sa mundong ito pero tuwing naiisip ko naman ang mga magulang ko ay nasasaktan naman ako. I love them at hindi ko naman kaya na biglang nawawala na lang ako sa kanila ng walang paalam.

I am torn with this shitty situation and I wanted just to curse my life dahil bakit sa lahat ng tao, sa akin pa talaga nangyari ito. Kung hindi ako aksidenteng naisama rito ay hindi ko ito mararamdaman ngayon. I wouldn't feel so sad like something has been broken inside me.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now