77. Sands of Time

21.5K 1.1K 108
                                    

August's POV

"You just said we cannot bend the law of nature. Ano yan sinasabi mo ngayon?"

Nakataas kilay na tanong ko rito. Malinaw sa akin ang sinabi nito at hindi ko yun nakalimutan. It was slapped on my face how he said it. Kaya naisip ko na pinaglalaruan lang niya ako.

"I cannot, but we cannot just ignore the law of magic. Your wish made you come here and that is to change the past. Even the law of nature cannot be bend, but the law of Magic will be able to bend it. But it doesn't mean ay matutulungan kita. Nasa sayo yan, kung malalagpasan mo ang pagsubok." Paliwanag nito sa akin.

The law of nature can be bended by the law of magic. Dahil ba sa hiniling ko ay may pag-asa? Pero hindi nga ako sigurado kung alin ang babaguhin ko. Sigurado ako na ang pagkamatay ni Cayden ang numero unong gusto kong baguhin. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko mapipigilan ang pagkamatay ni Cayden kung nakatakdang mapatay siya ni Alucard?

"Ano ba ang pagsubok na yan?"

Tumingin siya sa akin bago nagsalita. "Isang mabigat na pagsubok ang iyong pagdaraanan. Kailangan mong tapusin ang pagsubok na ito na siyang susi para mabago mo ang kasalukuyan. Pero pagkatapos ng pagsubok na ito, ay tuluyan ng mawawala ang iyong kapangyarihan."

Napatigil ako sa tuwang naramdaman ko ng marinig ko ang huling sinabi nito. "Anong mawawala? Paanong mawawala ang kapangyarihan ko?"

"Dahil isa itong mabigat na kahilingan at kailangan sirain ang isang batas ng kalikasan. Ang pagsira sa batas ay isang pinagbabawal na gawain kaya babawiin ng kalikasan ang iyong kapangyarihan oras na matupad ang iyong kahilingan. Dahil hindi na ito pwedeng maulit pa. Hindi ka na maaaring nagbago ulit ng nakaraan na ang iyong kapangyarihan lamang ang tanging makakagawa. Ito ang kondisyon ng iyong kahilingan. Kung tatanggapin mo ay ihahatid kita sa iyong pagsubok pero kung aayaw ka ay ihahatid kita sa kasalukuyan. Mamili ka."

Mawawala ang kapangyarihan ko. Paano kung hindi matupad ang hinihiling ko at tuluyan ng mawala ang kapangyarihan ko? Pero mas natatakot ako na hindi ko na maibabalik ang buhay ni Cayden dahil hindi ko sinubukan dahil naging duwag ako. Ganoon ba kahalaga sa akin ang kapangyarihan ko? As far as I remember, I am used of having no ability at all. Ano ba ang mawawala sa akin kung mawawala ang aking kapangyarihan? I will just be back with my normal self.

"A-ano ang magiging pagsubok ko?" Kinakabahang tanong ko kay Harithus. Why do I even stuttering? He's just a kid for christ's sake!

"Hindi ko maaaring sabihin sayo ang iyong pagbusok. Pero ito ang tutukoy para matupad ang iyong kahilingan. If you fail the quest, ay babawiin pa rin ang yung kapangyarihan at hindi na mababago ang kasalukuyan. May isang pagkakataon ka lang. Kailangan mong mapagtagumpayan ang pagsubok, dahil mawawala sayo ang lahat." Paliwanag nito sa akin na mas lalong ikinakaba ko.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Wala akong ideya kung ano ang magiging pagsubok. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko doon. May kukunin ba ako? May poprotektahan ba ako na base? Paano ko malalagpasan ang pagsubok na ito, kung hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?

Pero kaya kong sumugal. Kung para kay Cayden at para sa lahat, kakayanin ko.

"Sige, tinatanggap ko ang pagsubok. Kailan magsisimula?"

"Ngayon din mismo."

Gumalaw si Harithus at may pentagram na lumabas sa paanan nito na umabot din sa akin. May lumabas na isang hour glass na sinlaki ko. It has golden sand like the others. Biglang nanlaki naman ang mga mata ko ng may narealize ko ng inilabas niya ang hour glass.

"Oh my god, don't tell me bibilangin ko ang buhangin niyan?"

"Tsk. No, you dumbass. Pero ito ang yung pagsubok. Papasok ka dito sa loob, at kailangan mo lang matapos ang pagsubok bago maubos ang gintong buhangin sa itaas."

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now