70. The Arrival in Kimera

22.6K 1.1K 366
                                    

August's POV

Nanghihinang nakatayo ako at nakasandal sa isang malaking puno dito sa Kimera matapos namin makatawid. Hinimatay lang naman ako kanina ng tumawid ako at isa sa mga kasamahan ko na hindi ko kilala ang tumulong sa akin at napunta ako dito ngayon.

Kasumpa-sumpa ang portal kahit kailan pero kailangan kong tumawid doon dahil kung magteteleport ako ay mararamdaman yun ni Cayden. Tagong-tago ang presensya ko ngayon pero minsan ay parang gusto din kumawala. Ang hirap pala ng pinipigilan mo ang kapangyarihan mo dahil ang pakiramdam ay parang natatae ka pero pinipigilan mo kasi walang available na kobeta.

Akala ko pa naman madali lang yun kasi parang easy lang naman kina Lucas yun pero bakit sa akin ganun? Hindi ko maintindihan pero masyadong unfair yung ganun. Pinagpapawisan ako ng malamig sa ginagawa ko.

"Okay ka na ba?" Tanong ng babaeng nakapulot sa akin sa labas ng portal. Mabuti na lamang at hindi niya ako kilala dahil malaking gulo kung makikilala niya ako. Iniisip ko pa lang na malalaman ni Cayden na nandito ako ay naiimagine ko na ang mangyayari sa akin.

"Medyo okay na ako... Salamat nga pala kanina, baka naapakan na ako kung hindi mo ako tinulungan." Saad ko naman nito at ngumiti ako kahit yung totoo ay gusto pang umikot ng paningin ko.

"Naku, okay lang yun. Magkasama naman tayo dito sa digmaan. Teka saan ka banda sa Veneesha nakatira? Ngayon lang kasi kita nakita." Puna naman nito sa akin at tinitigan pa ang mukha ko. Parang iniisip nito kung tagasaan ako.

"Ah, doon ako sa may Gulivan Village." Sagot ko rito pero yung totoo ay ito ang lugar ni Genieva noon dun pa ako nakatira bago lumipat ako sa dorm.

"Ah, taga doon ka pala. Malayo yun sa amin, kaya pala hindi ka pamilyar sa akin." Saad naman nito sa akin at ngumiti.

Gaganti na sana ako ng ngiti rito ng nakita ko sa likod nito na may sampong dipang layo na naglalakad si Cayden at Lucas. Hindi naman sila papunta rito o nakatingin pero pucha isang lingon nito at makikita ako nito kaya parang biglang nawala lahat yung hilo ko at agad akong tumalikod at napahawak ako sa puno.

"A-ang g-ganda naman ng p-punong ito." Para akong tangang hinimas pa ang katawan ng punong kahoy at peste, parang nakakaramdam ako ng pressure sa likod ko o pakiramdam ko lang yun dahil nandyan ang taong pinagtataguan ko sa ngayon.

"Huh? Ah oo, Cedar Tree kasi ito kaya maganda at masarap sa ilong." Sagot naman nito pero bakas sa boses nito na nagtataka ito bigla sa inakto ko.

"Hahaha, Cedar Tree pala ito. Akala ko pine tree." Tawa ko naman ng mahina. Pero yung totoo, akala ko talaga pine tree ito. Magkapareho kasi ng itsura.

"Hahaha, marami talaga na nagkakamali sa dalawa kasi magkapareho." Sagot naman nito sa akin. Napasilip ako sa kanya ng bahagya pero yung totoo ay tiningnan ko ang likuran nito at nakahinga na ako ng maluwag ng hindi ko na nakikita si Cayden at Lucas. Kaya humarap na ako rito.

"Hahaha. Tinulungan mo na ako lahat lahat pero hindi ko pa alam ang pangalan mo." Saad ko rito sa maginhawang paraan pero alisto pa rin ako dahil alam ko na ano man oras ay pwedeng mangyayari yun ulit dahil nandito lang si Cayden.

"Ay oo nga pala. Ako nga pala si Sephira, ikaw anong pangalan mo?" Tanong nito sa akin pagkatapos na magpakilala.

"Au—Raven... Pangalan ko ay Raven." Halos hampasin ko na ang sarili ko ng muntikan ko ng mabanggit ang pangalan ko. Kilala pa naman ng lahat ang pangalan ko at baka magtaka ito kung bakit August ang pangalan ko kaya ginamit ko na lang ang undercover name ko.

"Ang ganda ng pangalan mo, mana sayo. Tsaka, nasan pala ang grupo mo?" Tanong nito sa akin.

Umiling naman ako. "Wala akong grupo. Mag-isa lang akong sumali rito." Sagot ko naman rito dahil totoo naman yun.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon