Prologue

6.6K 117 2
                                    


Dedicated to ________ for the new book cover 😘😍

TWO years passed...

"Lesley, paki-cancel ng meeting ko kay Mr. Salcedo," habang inaayos ko ang mga papeles na nasa aking mesa. I think I need a break in this work.

Masyado ko nang pina-priority ang pagtatrabaho ko as a CEO sa kompanyang ito.

"P--pero ma'am mamaya na po ang meeting niyo sa kanya---!" itinaas ko ang nakakimkim kong palad para patahimikin siya.

"Just cancel it as early as possible."

Wala nang nagawa ang secretary ko kundi tumango na lamang, "Masusunod po."

"Good."

Nang lumabas na siya sa pintuan ay na pa buntong hininga na lamang ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang assistant ko.

"Yes! Miss Dwight?"

"I need to go back to Philippines. Sayo ko muna iiwan ang trabaho ko. I know your good in managing it. Goodbye!"

Napahilamos na lamang ako sa mga palad ko. Hindi ako mapakali. Tila may bumubulong sa akin na kailangan kong bumalik sa Pilipinas. At isa pa kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan.

Sandali akong napatingin sa pintuan at muli na namang pumasok sa aking isipan ang nangyari kung bakit napunta sa akin ang kompanyang ito.

It was not my desire to have this company but lola Carla. No one protested in this case dahil una sa lahat, walang interes si Eric sa negosyo. Mind to think of it na siya ang mas matanda sa amin except kay ate Carlisle na mas piniling panatilihin ang kapayapaan sa mundong aming ginagalawan laban sa masasamang nilalang.

Si tita Aireen naman ay mayroong sariling negosyo sa Spain. Mas pinili ni Eric na maging Civil Engineer kesa hawakan ang pangalan ng kompanyang ito.

Abigail starting to love her career in modeling and aside from that she's also a best actress in New York. Masasabi kong malayo na ang narating ng isip batang iyon.

About Snow, wala ring hilig 'yun sa negosyo. Sa katunayan, isa rin siya sa namamahala sa Vasemuelle. Kaya ito ako ngayon ako ang sumalo sa pinaghirapang bagay ni lola Carla.

Buti nalang ang kinuha kong course during college ay Business Ad. Kaya kahit papaano ay may alam rin ako sa pag ma-manage ng kompanyang ito.

Minasahe ko sandali ang aking sintido habang nakapikit at sa pagmulat ko ng aking mga mata ay dumiretso na akong tumayo at lumabas sa office ko.

I need to go back to the Philippines...

*****

Nang palanding na ang eroplano ay narinig ko ang anunsyo ng isang flight attendant. Hindi ko na ito pinansin sa halip ay hinawakan ko na lamang ang aking maleta at bahagyang pumikit.

Maya-maya lang ay na alimpungatan ako nang may nagsasalita sa tabi ko.

"Ma'am nandito na po tayo..." Nagulat pa ako sa stewardess.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now