Chapter 50: Final Battle

1.3K 69 10
                                    

DAHAN-DAHANG naimulat ni Hermoine ang sariling mga mata nang maramdaman niya ang lamig na sumasanib sa buong katawan niya. Puno nang pagtatanong ang kanyang mga mata nang sumalubong rito ang matandang babae na nakatutok ang nakabukang palad nito sa kanyang bandang puso.

“Kailangan niyo nang mapuntahan ang bangkay ni Kim Dwight,” saka niya lamang nakilala ang matandang babae dahil sa sinabi nito. Si Ina…

Nang maigala niya ang paningin sa kapaligiran ay nakita niyang nasa loob sila nang isang aegis. Mula sa labas nito ay maririnig ang pagbanggaan ng mga sandata ng Diyos at Diyosa at ang mga kapangyarihan nang mga itong ‘di basta-basta.

Napabalikwas siya kaagad sa pagbangon mula sa kinahihigaang damo. Napansin niya ring wala na ang mga sugat na meron siya. Sa pagtingin niya muli kay Ina ay nasa tabi na nito sina Eleanor at Leilah na halatang kaka-recover lang nang mga ito mula sa pagkakulong sa ilusyon ni Ocsus.

“There’s no need for us to waste more time. Kailangan na nating kumilos ngayon!” sabay abot ni Eleanor nang palad nito sa kanya na agad naman niyang tinanggap kaya tuluyan na siyang nakatayo.

“Hwag kayong mag-alala. Kami na ang bahala sa mga kalabang Diyos at Diyosa,” wika ni Ina sa kanilang tatlo at bigla na lamang nabasag ang aegis na pumuprotekta sa kanila, dahilan kaya sila alertong napaharap sa may kagagawan nito.

Its Vexa and Luthor wearing their miserable expression, “You, chosen girls, are not allowed to leave here!” mariin ang pagkasabi nun ni Vexa na tinawanan lang ng matanda.

“Who are you to make your own rule!?” lumabas ang asul na liwanag sa kamay ni Ina, “Umalis na kayo rito mga itinakda!” utos niya sa tatlo na nag-aalinlangan pang iwan siya, “Ngayon din!”

Walang nagawa ang tatlo nang patalsikin na sila mismo ni Ina para makaalis gamit ang kapangyarihan nito na ‘di nila inasahan. Bumulusok ang kanilang katawan sa ere ngunit nailutang rin nila kaagad ang mga katawan nila nang makakuha sila ng balanse.

Nang tapunan nila ng tingin ang kinaroroonan ni Ina ay sumabog na dito ang asul na liwanag. Babalikan sana ito ni Hermoine ngunit hinatak na ni Eleanor ang kanyang kamay at tinangay papalyo roon, “Tayo na!”

Mabilis ang paglipad nilang tatlo sa kawalan habang nalalagpasan ang mga undead na nakikipaglaban sa natitirang kawal na bampira sa iba’t-ibang imperyo. Naglabas ng kapangyarihang apoy si Eleanor at pinaliyab iyon sa mga undead na kanilang nalalagpasan, kaya maraming nasunog sa ginawa niya.

Sa mga sandaling iyon, ay nagkonekta ang isipan nilang tatlo at ang tanging bagay na tumatakbo rito ay ang bawasan ang ‘di mabilang na mga undead.

Muling nagliwanag ng kulay ang kanilang mga mata. Nang malagpasan ni Hermoine ang maraming undead ay binalibag ang mga ito nang hanging dala ng kanyang katawan.

Umulan ng malalaking butil ng tubig ang madilim na kalangitan na kagagawan ni Leilah. Bawat kalabang nilalang na natatamaan nito ay nagiging tubig na tuluyan nalang babagsak sa lupa.

Ngunit sa paglipad nila papalagpas sa mga kalabang nakikipagdigmaan ay may mga nakakalipad na undead ang humabol sa kanila pero ‘di nakahabol ang mga ito nang bumilis ang paglipad ng tatlong itinakda.

Nagpakawala pa si Hermoine nang malakas na hangin dahilan kaya nawalan ng balanse ang mga humahabol sa kanila sa paglipad at tuluyang bumagsak.

Mula sa kalayuan kung saan matatagpuan ang sementeryo ay na aninag kaagad ng mga itinakda na pinagpipiyestahan ito ng laban ng iba’t-ibang klaseng nilalang. Napansin pa nila sa isang banda ang lumiliwanag na napakalaking light aegis.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now