Chapter 17: Best Choice

1.4K 67 0
                                    





Chapter 17:

DAHIL SA ginawa mo Therese nahihirapan na tayong kumilos!” sumbat ni Agnus sa kanyang kalunya.

Pinatawag niya ito sa kanyang kuwarto at ang mga salitang ito agad ang isinalubong niya rito. Nakatungo lamang si Therese sa ka tangahang ginawa niya.

Ano na ngayon ang gagawin natin, huh!?” nanggigil na sabi ni Agnus rito habang nakakimkim ang kanyang mga palad, “Sa sobrang dami ng paraan para pabagsakin ang prinsesa iyon pa ang naisip mo. Ang sunugin ang kanyang kuwarto pero sablay naman ang plano mo!?”

Hwag kang mag-alala Agnus. Babalik pa naman dito ang prinsesa, pansamantala lamang siya sa palasyo. Masisiguro kong sa muli niyang pagbalik ay sisiguraduhin ko ang pag bagsak sa kanya.”

Sisiguraduhin mo lang dahil kapag mabigo tayo sa pagpabagsak sa kanya, tayo ang ibabagsak niya!”

“Ina,” napalingon sila sa may pintuan nang sumilip dito ang panganay nilang anak. Si Lacsy, natutuwa silang nakabawi na ito sa ginawa ng prinsesa sa kanyang balakang at kanina pa ito nakauwi galing sa pagamutan.

Naparito ka?” kalmadong tanong ni Therese dito.

Ngumiti naman ito sa kanyang mga magulang, Makikita ko ba si Tomoki sa Hasseium?” sabik na tanong nito na animo’y may masamang pinaplano laban sa prinsesa.

Siguro, dahil nabanggit ito ng prinsipe sa aming harapan,” sagot naman ni Therese sa anak nang nakangiti. Para bang natutuwa siya sa balak gawin ng kanyang anak sa prinsesa.

Manang-mana talaga ang kasamaan ng kanyang anak sa kanya. Mother—likes—daughter.

Sige po aalis na ako!” tuluyang lumabas si Lacsy sa kuwarto at agad tumungo sa karwahe kung saan naroroon si Loraine na hinihintay siya.

“Ang tagal mo!” reklamo nito.

Hindi naman ito sinagot ni Lacsy hanggang sa umandar na ang sinasakyan nilang karwahe.




◈◈◈◈◈

KAKATAPOS lamang ni Hailey pinakain ang kanyang mga bisita. At kasalukuyan siyang nakaupo sa kama kung saan nakahiga si Tomoki. Si Zeref naman ay nasa isang upuan lamang na may kaunting distansya sa kama. Ang mga kasamahan naman nitong lobo ay nagliwaliw sa labas ng kubo.

Gumaan ang pakiramdam ni Hailey sa ginawa ng kababata kanina, pero ‘di pa rin niya maiwasang ‘di magtampo rito. Pagkatapos niyang kumalma sa ginawa ni Zeref ay ‘di na siya nagpadala sa kanyang pangungulilang nararamdaman dito. Isa pa, hindi ito ang oras para sa kadramahan ng kanyang buhay.

“How is she?” napabaling ang tingin ni Hailey sa binata at agad ring umiwas.

Natutulog lamang siya—pero parang may masamang bagay siyang napapanaginipan,” hinawakan niya ang kamay nito dahil napansin niyang gumagalaw ang mga daliri nito.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now