Chapter 35: Dyspherein's Gift

1.2K 67 2
                                    

NASA GITNA ng walang katapusang yelo si Kim. Sobrang lamig ng kanyang mga paang nakatayo rito. Damang-dama niya ang bugso ng lamig na nanggagaling sa inaapakang yelo.

Napayakap na lamang siya sa sarili. Mugto ang kanyang mga matang nakatulala sa kawalan. Bawat paghinga niya ay sinasamahan ng puting hamog.

Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam. Ang pakiramdam nang mamatayan ng kabiyak.

Wala sa sarili niyang inihakbang ang isang paa na sinundan pa ng isa. Hanggang sa maglakad na siya na walang direksyon.

Lutang ang kanyang isipan. ‘Di niya alam kung ano ang gagawin niya. Pumikit siya at dinaramdam ang unti-unting pagdausdos ng luhang kumawala galing sa kanyang namamagang mga mata.

Mabigat ang kanyang paghinga na animo’y sinasakyan ng pag sikip ng kanyang dibdib.

“H—hiro…” mapait siyang ngumiti at yumuko.

Nanginginig ang kanyang magkabilang balikat dahil sa paghagulhol.

Paano nga ba siya napunta sa lugar na ‘to?

Hindi. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung ano ang dahilan. Wala siyang maalala kung saan ang huli niyang destinasyon para mapunta siya sa lugar na ito na punumpuno ng kalungkutan.

Mas lalo lamang bumibigat ang kanyang nararamdaman sa ambience ng lugar na sumisigaw ng walang katapusang kalungkutan.

Tinakpan niya ang kanyang bibig para pigilan ang paghikbi. Nagawa niya, pero ‘di maawat ang kanyang mga luha.

Nang iniangat niya ang kanyang tingin para tingnan ang dadaanan ay sumalubong sa kanyang mga mata ang isang ilog. Ilog na kulay pula. Isang dugong ilog.

Marahas ang pag-agos nito nang pagmasdan niya ng maigi.

Ilang sandali lang ay napansin niyang may pumatak na pulang likido sa kanyang braso.

Butil ng dugo?

Nagtaka pa siya nang may tumalsik na naman sa kanyang braso na butil ng dugo. Mula sa isa at sinundan pa ng napakarami.

Hanggang sa napagdesisyunan niyang lingunin kung saan ito nanggaling.

Halos mabaliw siya nang makita ang kanyang kabiyak na nakapako sa malaking krus na gawa sa yelo.

May butas sa leeg nito na pinanggagalingan ng dugong tumatalsik sa kanya.

“Hiro!” pinilit niyang bilisan ang kanyang pagtakbo para lapitan ito. Ngunit sa kada segundong paglapit niya rito ay siya namang unti-unting paglayo nito. Papunta na ito sa pinakamahamog na parte ng lugar.

“Hindi!” sigaw ng dalaga na nanlalabo na ang mga mata dahil sa mga luha.

Hanggang sa mapabagsak na lamang ito sa yelong lupa nang tuluyang mawala sa kanyang paningin ang kabiyak.

Muli itong napahagulhol sa pag-iyak at napayuko. Ilang minuto siyang nanatili sa posisyong iyon.

Nang imulat ng dalaga ang kanyang mga mata ay kumawala sa kanyang bibig ang napakalakas na impit g sigaw nang makita niya ang sariling nakadagan sa kanyang kabiyak. Hawak niya ang napakahabang patalim na nakabaon sa bandang puso ni Hiro.

HINDI! HINDI ITO TOTOO!” iyak niyang sigaw.

Umalis siya mula sa pagkakadagan dito. Kita niya pa ang pagdaloy ng dugo mula sa dibdib ng kabiyak patungo sa lupa.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now