Chapter 6: Under the Moonlight

1.6K 68 0
                                    

“ANG BABAENG ‘yun talaga!” rinig kong sabi ni Therese sa nanggigil na tono.

Kausap niya ang Heneral habang naririnig ko naman ang pinag-uusapan nila dahil sa mga kristal na inilagay ko sa iba’t-ibang parte ng mansyong ito.

Tahimik lang ako sa loob ng aking kwarto na pinapakinggan sila.

“Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang naging ganun. May malubha siyang sakit pero naiisahan niya tayo!” ‘di parin makapag move on na sabi ni Therese.

Siguro ito na ang senyales na dispatyahin na natin siya,” napantig ang aking tainga sa narinig galing sa Heneral. Naging malayo ang loob ng mga Ugawa sa atin dahil sa ginawa niya. At ‘di na ako papayag na may gagawin na naman siya na magpapahiya sa atin!”

A mischievous grin slowly curved into my lips. Mukhang totohanan na ang mangyayaring labanan na ito, ah?

“Pero napapansin niyo ba ang pagbabago niya?” May pangamba sa boses ni Therese, “Isa na dun ang ginawa niya kay Lacsy na hanggang ngayon ay ‘di pa naka recover sa kanyang ginawa,” may utak rin naman pala ang gagang ‘to!

But in this time I won’t let any mistakes of mine figured out by someone.

Tumayo na ako sa kama at lumabas sa kuwartong ito. Nang nasa may corridor na ako ay nakita ko ang isang taga silbi na nagwawalis. Lumapit ako rito.

Bahagya naman itong nagulat sa aking presensya, “Mi ta koto ga aru ka, Ge Chen?” (Have you seen, Ge Chen?)

“Ī e, ōjo,” (No, princess!)

Hinahanap mo siya?” Nilingon ko ang babaeng nagsalita, another half sister of mine, fourth-sister Natalie. Anak siya ng may kabaitang concubine ni ama---Heneral este!

Bakit nakita mo siya---*cough!*---*cough!*” Bahagya kong tinakpan ang aking bibig sa pagkukunwaring may sakit pa ako.

Inutusan siya ni mother Therese na pumunta sa pamilihan, may binili yata siya,” buti ang isang ‘to nakakausap ng matino. At ang kapal naman ni Therese para utusan ang katiwala ko! Katiwala ko ‘yun! Hindi maid niya! Mukhang sinadya niya ang bagay na 'to, ah?

“M---matagal pa ba siya?”

Watashi wa shira nai sango san hito,” (I don’t know third sister). Papasok na muna ako sa kuwarto ko,” at naiwan akong may inis kay Therese dahil sa kanyang ginawa kay Ge Chen.

Bumalik ako sa aking kwarto at kumuha ng payong doon. Nang makakuha na ako ng payong na aking gagamitin ay lumabas na ako sa mansyon  at hinanap ng aking mga mata ang isa sa mga karwaheng meron kami.

Curse Resurrection (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें