Untold 2: Yin and Yang Keeper

1.2K 56 0
                                    

HIRO AND I both returned to the Vampiric Auras, with just the two of us. Hindi na sumama sina Eleanor since they already done their parts. So, para sa kanila there’s no reason at all para sumama pa. They wanted to live the way they live before. Kaya naman ‘diko na sila pinilit na sumama.

Nagpaalam naman ako sa Shrine at sa Supremo na hihiwalay na ako sa mundong kinalalakihan ko. Gayundin sa mga Ultron Master, kena Zero at Snow. At first ‘di sila sumang-ayon sa aking sinabi ngunit natanggap rin nila nang maglaon. Hindi naman ibig sabihin na dahil hiniwalayan ko na sila ay ‘diko na sila dadalawin.

Pinag-usapan na namin ‘yun ni Hiro. Ako ang nagbukas ng usapang iyon dahil may parteng bumubulong sa akin na dapat akong humiwalay sa mundo kung saan ako nagmula.

Hindi lang ‘yun, may isa pang bagay na ‘di klaro sa aking isipan. Ang sinasabi ng magkambal na Diyosa.

Eleiah at Erelahano ba talaga ang bagay na ‘yun?’

“You look out of yourself,” napalingon ako sa kapatid na babae ni Hiro. The bold and frank princess, Ayesha.

Kanina ka pa?” medyo gulat kong tanong. Kasalukuyan akong nagmukmok mag-isa dito sa silid-aklatan ng mga Zeurdous. ‘Diko kasama si Hiro dahil may dinaluhan itong pagpupulong sa pagitan ng kasunduang gagawin ng kanilang imperyo at ang imperyong Vestine Llarsces, kasama ang kanyang dalawang kakambal at ang kanilang amang Hari.

Nakita kong bumusangot lamang ito. Kumuha na lamang ito ng isang babasahing libro saka umupo katapat ko, Malakas ang kutob kong may mangyayaring bagay.”

Direktang sabi nito na animo’y ‘di na siya magkakamali pa sa salitang kanyang binitawan. Napaseryoso akong tumitig sa magaganda niyang mga mata, “Can you guess, what it is?” she just shook her head and opened the book she’s holding.

“Hindi ko mahula. Malabo…” sabay tapon ng tingin sa pahina ng hawak niyang libro.

Napabuntong hininga naman ako at sinubukang libangin ang sarili sa pagbasa ng librong kanina ko pa hinahawakan.

Maya-maya lang ay sabay kaming nagkatinginan ni Ayesha nang maramdaman namin ang tatlong malalakas na presensyang biglang nagparamdam sa iba’t ibang sulok ng palasyo.

“Where are the others?” bulaslas ko.

“Sh*t!” sabay kaming tumayo at lumabas sa silid-aklatan.

Mabilis ang aming hakbang na ginagawa para lang mahanap ang kanyang mga babaeng kapatid. Sa totoo lang ay silang babaeng magkapatid lamang ang narito sa kanilang kaharian. Maliban kena Hiro, Hiroshi, at Hideo ang kaniyang lalaking mga kapatid ay nasa ilalim ng pag-eensayo sa imperyong Llester Mondoir sa kahariang Gomavuemos. Mukhang pinalad talaga kami sa mga oras na ito.

“Jade!” “Denise!” “Brittany!”

Umalingawngaw sa buong sulok ang tawag namin sa kanila ni Ayesha ngunit wala man lang kaming narinig na sagot.

“Something’s not right in here!” I muttered and before I could glance at Ayesha she already ran outside the entrance door, “Ayesha wait!”

Ngunit huli na ako nang makalabas na siya. Nang makalabas narin ako ay ‘di ako makapaniwala sa aking mga nakita.

Nagkalat ang napakaraming kawal na bampira sa paligid. Walang malay ang mga ito, hindi ko masasabi kung patay na ba sila o hindi dahil wala naman akong nakikitang mga dugo nilang dumanak.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now