Chapter 29: King's Mate

1.2K 63 1
                                    

NASA HAPAG-kainan si Agnus at si Felicity tahimik na kumakain. Tanging ang ingay lamang ng kubyertos ang naghahari sa kanila.

Kahit na ‘di nagsasalita si Felicity ay alam ni Agnus na may gusto itong sabihin.

“Speak up,” walang pag-aalinlangang sabi ni Agnus rito.

“Buntis ako, Agnus. At hindi ikaw ang ama,” diretsong sagot ni Felicity sabay salubong ng titig ni Agnus.

Tuluyang napahinto sa pagkain ito dahil sa sinabi ng asawa.
Inasahan na ito ni Agnus ngunit hindi niya inakalang ganito pala ito kasakit sa ego niya kahit matagal na siyang nambabae para may pupuno sa pangangailangan ng kanyang katawan bilang isang lalaki.

Asawa niya nga ang napakagandang prinsesang maraming nakakapandarapang binatang bampira ngunit wala naman itong gusto sa kanya. Nakatali lamang ito sa kanya dahil sa papel ngunit ni pagtingin nito sa kanya bilang lalaki ay ‘di niya alam kung meron ba. Ni hindi niya nga rin ito nagalaw bilang asawa sa papel. His wife remains a virgin in this mansion but now its over.

Ngayon niya lang yata pinagsisihan ang pagsang-ayon sa fix marriage na ginawa ng dowager at ng kanyang amang isang makapangyarihang ministro na naglilingkod sa Hasseium na ngayon ay sumakabilang-buhay na dahil sa pagkainom nito ng lason.

Naikimkim na lamang niya ang kanyang mga palad sa galit. At ‘di ‘yun nakaligtas sa mga mata ng prinsesa.

Alam ng prinsesang galit na galit na ito sa kanya. Pero ano nga ba ang magagawa ng galit nito sa kanya. Naisuko na niya ang kanyang bandila sa lalaking pinakamamahal niya. Ang lalaking nagbabantay sa kanya mula noong maisilang siya. Ang lalaking nagpapintig ng puso niya. Ang lalaking hiniling niya na kahit sandali ay makasama niya ito bago siya kamuhian ng sariling pamilya dahil tutol ito sa relasyon nila kahit kabiyak niya ito. At ngayon ay nangyari na.

“Dapat mo na akong kamuhian, Agnus. Sinabihan na kita noon na kahit kelan kahit nakatali na ako sayo dahil sa papel na ‘yan. Hinding-hindi mapapasayo ang puso't kaluluwa ko,” matigas niyang sambit.

Noon pa man ay wala siyang pagtingin sa binatang ‘to. Para sa kanya ay isa lamang itong hambog na nakilala niya.

“SINO ANG AMA!?” lumipad ang napakalaking mesa sa may pader sa sobrang galit ni Agnus. Ang mga nakahandang pagkain ay nasilaglagan na sa sahig at nagkalat.

“You don’t have to know him, Agnus. At wala kang karapatang malaman kung sino siya!” tumayo ang prinsesa at tinungo ang kanyang silid ni hindi nga nito tinapunan pa ng tingin si Agnus.

Naiwan si Agnus sa kinauupuan nitong nanginginig sa galit. Pulam-pula na rin ang mga mata nito, nakalabas na ang mga mahahabang pangil, ganun narin ang mahahaba nitong kuko.

“ARGH—!” inihampas nito ang upuang inuupuan niya kanina dahilan kaya nasira. Nang hindi pa siya makuntento ay pinagsusuntok nito ang pader ng dining hall hanggang sa dumugo ang magkabila nitong mga kamay.

Makalipas ang ilang araw ay napansin ka agad ni Felicity ang pagkaroon ng babae ng kanyang asawa sa loob ng mansyon hindi lang isa kundi tatlo. Ngunit isinawalang bahala niya lamang ito.

Hindi niya kailangang pigilan ang kaligayahan ng kanyang asawa na makipag-isang katawan sa ibang babae.  Isa pa galit ito sa kanya. Pero pakielam ba niya rito?

Nang lumipas na naman ang mga araw ay nagmukmok na ang mahal na prinsesa sa kanyang kuwarto habang ‘di maawat ang kanyang mga luha nang mabalitaan niyang nagkaanak na ang kanyang minamahal na kabiyak sa asawa nito. Si Agnus naman ay tuluyan ng nagkaroon ng tatlong concubine sa kanyang mansyon. Pero wala siyang pakielam rito kundi sa minamahal niya lamang.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now