Chapter 46: Pairs of Dagger

1.1K 62 2
                                    

THREE BODIES of girls were protected by a huge bubbles that made them able to breath under the water.

Hinahabol ni Leilah ang hininga habang seryoso siyang pinagmasdan nina Hermoine at Eleanor. Pareho silang nararamdaman ngayon. The feeling that they’re energy was being drained by that unison of destructive power that they created.

Hindi nila madaling mabawi ang enerhiyang nagamit hangga’t silang mga itinakda ay nagkatipon-tipon.

Sandali silang nagkatinginan at animo’y nag-uusap gamit lamang ang kanilang mga mata. Nang magkonekta ang kanilang mga isipan ay sabay-sabay silang umalis mula sa bulang nagbibigay oksiheno sa kanila. Umahon silang tatlo galing sa karagatang sumakop sa kabuuan ng imperyo.

Basang-basa silang nakaahon at agad suminghap ng malalim na hangin. Hinayaan lamang nilang lumutang ang mga katawan sa ibabaw ng tubig. Hindi na nila kailangang problemahin pa ang mga bampirang nasa bawat kaharian dahil sa nangyaring tsunami. Kagaya nila ay nagawa ring protektahan ang mga ito ng mga bula na pumrotekta rin sa kanila kanina. It was made by the only princess of the ocean, Leilah.

As the time passes by, magkahawak kamay lamang ang tatlong nakatingala sa madilim na kalangitan na ‘di parin tumitigil sa pagkulog at kidlat. Nakapikit ang mga mata ng mga ito habang may sinasambit na mga salita.

Then all of the sudden, the water where they currently soaked in, totally vanished. Nag-iwan pa ng pinong butil ng tubig ang paglaho nito sa buong imperyo.

All demolished building, sculpture, towers, land masses, etcetera were completely fixed as if there’s no war occurred on the entire empire. Ngayon ay nakalutang lamang ang tatlong itinakda sa kawalan. Their wet bodies earlier were dried already.

“Hindi pa rito nagtatapos,” mahinang bulong ni Leilah sa hangin at sabay nilang tatlo nilingon ang isang direksyon kung saan nila nararamdaman ang dalawang malalakas na presensya.

Nagkataong hindi nila napaghandaan ang sumalubong sa kanila.

Hermoine whimpered when Hareim grabbed her neck and threw her on a far part of the empire.

HERMOINE!” napasigaw si Leilah at aakmang susunggaban niya si Hareim pero nagulat siya nang hilain ni Cecilia ang kanyang braso saka binigyan siya ng napakalakas na suntok dahilan kaya sumalpok siya sa paanan ng tore.

Ngayon ay nakangisi na si Cecilia at Hareim habang tinitingnan si Eleanor na siyang naiwang mag-isa sa kinalulutangan nito.

“Hindi ko alam na ganun lang pala kayo kadaling atakehin?” may pangungutya sa tono ng pananalita ni Cecilia.

Sa totoo lang ay hindi naman siya namatay sa malaking sugat na natamo nung makaharap niya si Kim Dwight na ginamit ang kapangyarihan ng Diyosa ng Huling Pag-asa na nagpahina sa kanya. She got a serious injury that time at ilang araw bago nabawi ang dating lakas.

“Then, try me,” Eleanor’s eyes were in rage that glistening from green to a normal one.

Napatawa naman si Cecilia, “Oh, talaga lang ha?” sumulyap siya kay Hareim at sa tingin palang na ibinibigay niya rito ay nabasa na kaagad ng huli kung ano ang dapat na gawin.

Mabilis pa sa kidlat ay inatake ni Hareim si Eleanor. Bawat atakeng pinapakawalan nito ay halos ‘di na maaninag sa sobrang bilis. Tanging afterimage lamang ng kanyang mga galaw ang makikita pero ang lahat ng ito ay nasasangga ni Eleanor. Nasasabayan niya ang bilis ng kalaban na animo’y nababasa niya ang bawat paggalaw ng katawan nito.

Curse Resurrection (Complete)Där berättelser lever. Upptäck nu