Chapter 16: Memento of the Goddesses II

1.3K 66 0
                                    

ILANG ORAS na ang lumipas pero 'di parin gumigising si Kim sa katawan ni Tomoki. Hindi na mapakali si Zeref sa pag-alala rito. Wala ring ibang magawa ang mga kasamahan niyang lobo kundi umasang magigising pa ito.

Pabalik-balik na si Zeref sa paglalakad na para bang ang laki talaga ng kanyang problema. Hindi siya mapakali sa nararamdaman niyang pag-alala rito.

Saglit siyang natigilan nang may pumasok na bagay sa kanyang isipan.

Pinagmasdan niya ang kapaligiran kung saang imperyo na sila. Napapikit siya sa inis nang mapansin niyang nasa pangatlong imperyo pa sila, ang imperyong Dahanila Vista.

May pagdududa narin siya sa posibleng mangyari sa Vampiric Auras lalo na nang maikwento ni Kim sa kanya ang bagay na kung saan ay may nakapansin nang mga kampon ni Nishra sa presensya nito. Alam ni Zeref kung ano ang maaaring mangyari at hindi siya papayag na masayang lamang niya ang oras na kanilang ginugol sa paglalakbay kung baka sakaling maghahasik na ng lagim ang mga kalabang Diyos at Diyosa.

Hindi pa ni Kim nakita ang bangkay ng kanyang kabiyak at malaki ang posibilidad na mabigo ito sa kanyang misyong gagawin. Ayaw ni Zeref na mabigo ito, dahil tanging ito lamang ang paraan upang malaman nila kung paano pigilan ang sumpa.

Mabilis na lumapit si Zeref sa katawan ni Tomoki at binuhat ito. Nagtaka pa ang kanyang mga kasama sa bagay na nais niyang gawin pero nakuha rin ng mga ito ang bagay na dapat nilang gawin nang magsalita ang kanilang pinuno, “We’re heading to west to meet the witch of the traveler. Para mapadali ang ating paglalakbay kailangan natin ang tulong niya.”










♞IN THE CARRIAGE♘

‘DI MAPAKALI ang prinsesang si Autumn habang nakatingin sa natutulog na katawan ni Tomoki sa kanyang kandungan. Inaamin niyang nag-alala siya rito dahil kanina pa ito ‘di gumising simula nang ipinikit nito ang sariling mga mata.

Maiangat niyang hinawakan ang malambot na kamay nito. Nararamdaman niyang ‘di na ganun ka lamig ang mga kamay nito—‘di kagaya nung hawakan niya ito kanina.

Ano bang nangyayari sayo? Baka ako pa ang sisihin ni kuya Kyohanne sa nangyayari sayo ngayon? Bakit ba sumama ka pa sa akin, kung masama naman ang pakiramdam mo?’

Sinilip niya ang labas ng karwahe at napansin niyang malapit na sila sa Hasseium. Isang kilometro nalang ang kanilang lalakbayin.

Muli siyang napatitig sa mayapang mukha ni Tomoki na natutulog. ‘I don’t know why—but I feel pity for a princess like you. I don’t know why father didn’t adopt you when your mother died in her mansion, even you are his niece. Maybe if he done that you will not get sick. I wonder if your father in your mansion did well in taking care of you?’

Hinawi niya ang hibla ng buhok ni Tomoki na nakaharang sa mga mata nito. ‘Or maybe not—because they don’t even sent you to Hasseium to learn more things.’









◈◈◈◈◈

MALAYO NA ang nalakbay nina Zeref, buhat parin niya ang katawan ni Tomoki na ‘di parin gumigising. Hinahawi nila ang mga napakataas na damong kugon na humaharang sa kanilang dadaanan.

Habang patagal ng patagal ay napadpad na sila sa may kubong sobrang luma na. Kitang-kita rito ang mga mabeberdeng lumot na kung saan-saan tumubo. May iilan ring mabeberdeng halaman na gumagapang rito.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now