Chapter 53: Scream for Death

999 52 1
                                    

DUGUAN ANG katawan ni Zeref habang nakaluhod, hinahabol ang hininga. Ang kanyang pawis at dugo ay naghahalo na sa kanyang katawan. Nakangisi itong nakatitig kay Luthor.

Samantalang ang huli naman ay nakatayo sa kanyang harapan animo’y ‘di man lang ito napagod sa pakikipaglaban.

“Now, Alpha of the Lupus Tribe. You are ordered to face your death—UGHH!” bigla na lamang napahawak ito sa kanyang ulo na animo’y may nangyaring ‘di maganda.

Nakalutang si Helena sa kawalan. Nagliliwanag ang mga mata nitong nakatitig sa direksyon ni Luthor na ngayon ay nagwawala na sa sakit sa ulo.

Ibinuka nito nang dahan-dahan ang kanyang mga braso sa kawalan, dinaramdam ang ihip ng napakalamig na hangin na sumasayaw sa kanyang buhok.

“Ramdam ko na ang kamatayan ko ngayon, kaya naman bago mangyari iyon. Ipapangako kong ako ang wawasak sa utak ni Luthor!”

Ngumisi naman ang Diyosa ng Apocalypse na nasa kanyang tabi, pinapanood siya sa bagay na nais niyang gawin, “Paano mo matitiyak na mapapatay mo nga siya kung uunahan na kita?”

Nakangisi si Helena nang humarap siya sa gawi ni Vexa, “Do you have any idea that I am a multi-telepathic user!?”

“UGH!” napahawak ng ulo si Vexa at nawalan ng balanse para ilutang ang sarili sa kawalan dahilan kaya ito nalaglag sa kinalulutangan.

“It’s like hitting two birds in a one stone.” Helena mumbled in void.

“AHHH!” nagsimulang lumitaw sa mga mata ni Luthor ang maliliit na mga ugat. Ganun narin sa buong parte ng katawan nito.

Dahan-dahan namang tumayo si Zeref at ipinahaba na ang sariling mga kuko nito, “Hindi ka man lang nadaplisan nang mga atake ko. Samantalang ako, halos mabalian na ng mga buto,” handa na sanang saksakin ni Zeref ang bandang puso ng nagwawalang puso ng Diyos ng Invincibility dahil nag deactivate ang kapangyarihan nitong ‘di masugatan dahil sa kagagawan ni Helena.

‘Di pa man lumapat ang mga kuko ni Zeref sa bandang dibdib nito ay napapikit na lamang siya nang sumabog ang ulo nito at nagsitalsikan sa kanyang mukha ang gutay-gutay nitong utak.

Nakaukit ang ngisi sa labi ni Helena dahil sa bagay na ginawa at bago pa masundan ng kanyang titig ang papabagsak na katawan ni Vexa para ito naman ang puntiryahin ay mabilis na kumawala ang ungol nito sa bibig.

“That’s for Ocsus and Luthor!” matigas na sambit ni Angelica habang hawak ang napakahabang espadang nakatarak sa likuran ni Helena at mabilis itong hinablot.

Walang imik si Helena nang bumagsak na ng tuluyan ang katawan nitong huminto na sa pagpintig ang puso.

Nanlilisik ang mga mata ni Angelica nang balingan niya ng tingin si Zeref, “I will kill you!”


Sunud-sunod ang pagkatilapon ni Zeref sa mga kapangyarihang pinakawalan ni Angelica na ‘di niya kayang sanggain. Idagdag mo pang ‘di niya magawang malapitan ang huli dahil sa mga long-ranged attack nitong ginagawa.

Nakahiga na si Zeref sa lupa, nakatingala ito sa walang katapusang kadilimang naghahari sa kalangitan. Pagod na pagod na ito. Wala na itong natitirang lakas para lumaban pa, ni pagbangon ng sariling katawan ay ‘di na nito magawa.

Nangingilid ang luha sa mga mata ni Angelica dahil sa inis at galit na nararamdaman. Nakalutang sa mga palad nito ang kulay dilaw nitong kapangyarihan na lumiliyab.

“Dahil sa inyo, apat nalang kaming natira. At dahil ikaw ang kaharap ko ngayon magiging isa ka sa aking collection!”

She was about to release her power when Tristan, the God of Dracula flew towards her direction. Mabilis ang reflexes ng katawan niya dahil nagawa niyang ibaling sa huli ang kapangyarihan niya na nagpatilapon nito.

“Tatapusin na kita!” sinunggaban niya ng mabilis ang walang kalaban-labang Alpha gamit ang isang espada.

*TSING!*

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang may sumangga sa atake niyang para sana rito. Pag-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanyang mga mata ang walang ka emo-emosyong mukha ni Cassiopeia, ang Diyosa ng Elastic.

“Its just a fight between our kinds. Wolves are not included!” Seryosong turan nito.

“Good thing ikaw ngayon ang magiging isa sa aking mga collection!”

They exchanged offensive and defensive attacks. But when Angelica distanced herself from Cassiopeia. The last quickly dodged the simultaneous power of Angelica. Pero nang makatiyempo si Cassiopeia ay nagsilabasan na sa kanyang katawan ang napakahabang tela ng kanyang damit na animo’y mga ahas itong humahaba.

Malayo ang distansya ni Angelica pero napamura ito nang sundan siya sa mga tela ng damit ni Cassiopeia para hulihin.

Lipad lang siya ng lipad ngunit nang ‘di sinadya ay nasalubong niya si Lacsus at Isaac na agad naman siyang sinugod ng mga ito. Wala na siyang nagawa kundi salubungin ng atake ang dalawa.

*TSING!* *TSING!* 

Sunud-sunod na nagbanggaan ang kanilang espada at dahil ‘di na napansin ni Angelica ang mga mahahabang tela na humahabol sa kanya ay nahatak siya nito papalayo kena Isaac at Lacsus.

Mabilis ang paghatak sa kanyang katawan kaya nahihirapan siyang makatakas sa kapit ng mga telang ito. Napuputol niya ang iba sa pamamagitan ng pagtaga pero mas lalong dumarami ang kumakapit sa kanya. Hanggang sa tuluyan siyang mapadpad sa harapan ni Cassiopeia.

Nakahanda nang sumugod si Cassiopeia sa kanya pero laking gulat ng huli nang sumabog ang kanyang kinatatayuan niya na nagpawala sa kanyang pandinig.

Animo’y nag mute ang kanyang pandinig at namanhid ang buo niyang katawan. Nang subukan niyang igalaw ang sarili ay ‘di na niya magawa. Napapikit siya sa nararamdaman at ‘di niya alam na papabagsak na pala ang kanyang katawan sa may lupa galing sa impact ng pagsabog.

Sa pagmulat niya nang mga mata ay ang pagkakita niya sa mukha ni Zaphro, ang Diyos ng Eksplosyon na may hawak na espada.

‘Di pa man siya nasaksak nito ay kumawala na ang impit niyang sigaw, “HINDI!”

“CASSIOPEIA!” kasabay nang pagkabagsak niya sa lupa at ang pagbaon nang espada ni Zaphro sa kanyang sikmura. Habang napaluha na lamang ang Diyosa ng Lava nang makita ang sinapit ng kaibigan. Kaharap niya kanina si Zaphro pero ‘di niya inasahang maisahan siya nito at matakasan para kitilan ng buhay ang kaibigan.

Bumulusok ang mga likidong apoy sa gawi nina Zaphro at Angelica. Sabay na napailag ang mga ito sa ginawa ni Cassandra.

“You will pay for this!” puno ng hingnanakit ang boses ni Cassandra habang mabilis na niyakap ang wala nang buhay na katawan ng kaibigan. Umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata habang matalim itong nakatitig sa may kagagawan ng pagpaslang sa kasama.


CypressinBlack

Curse Resurrection (Complete)Kde žijí příběhy. Začni objevovat