Chapter 22: Flaglet

1.2K 70 0
                                    

ILANG BESES kong naramdaman ang pagbaon ng kanyang katana sa aking tagiliran pero sa huling pagbaon nito ay lumipad na ang aking siko sa kanyang mukha.

"Ugh!" nabitawan niya ka agad ang katanang nakabaon pa sa aking tagiliran.

Mabilis akong tumayo at nang makita ko ang katana sa aking katawan ay parang dumilim ang aking paningin sa galit. Kitang-kita ko kung paano kumalat ang napakaraming dugo sa aking damit.

Nang maramdaman kong padapo na sa aming gawi ang pinakawalan ng prinsipeng mga palaso ay humarap ako dito at mabilis na sinalo ang bumubulusok na isang palaso saka sinunggaban ko siya.

Sa sobrang bilis nang aming paggalaw ay natagpuan ko lamang ang aking sarili na mayroong tama ng apat na palaso sa aking likuran habang nakapatong sa kanya.

Siya namang nakahiga ay may anim na tama sa sikmura na mga palaso.

Tumawa ako sa kanya nang may panggigigil, "Ang dami ng sayo kumpara sa akin!"

Napatingin ako sa kamay kong hawak ang isang palasong naisaksak ko pala sa kanya na ngayon ko lang napansin. Ngumisi ako sa kanya, "Hindi ka pa naman mamamatay," tiningnan ko ang kanyang mukha na sumusuka ng dugo habang nakangisi sa akin. Mukhang 'diko napansing sumusuka rin pala ako ng dugo.

"Now, I witnessed the other side of the princess that they called the pathetic one." Binalewala ko lamang ang kanyang sinabi.

Pansin kong hinahabol na niya ang kanyang paghinga. Nang mapadako ang aking mga mata sa katanang nakabaon pa sa aking tagiliran ay dahan-dahan ko itong binunot habang pinipigilan ko ang aking paghinga at napakagat labi dahil iniinda ko ang sakit.

Halos dumilim na ang aking paningin dahil sa panghihina. Tinakpan ko ka agad ang sugat sa aking tagiliran gamit ang kaliwa kong palad nang umaagos na dito ang dugo.

Muli ko siyang tiningnan. Ganun parin ang kanyang hitsura nakangiti parin, "Ibabalik ko lang sayo," mahina kong sabi habang ipinakita sa kanya ang hawak kong katana niya na may bahid na ng dugo.

"Your welcome!" siya na nakangisi parin.

"At syempre ganito rin ang gagawin ko!" mariin kong isinaksak sa kanyang tagiliran ang kanyang katana.

"Ugh!" hiyaw niya na halos umangat pa ang kanyang katawan sa aking ginawa.

Agad akong napahiga sa kanyang tabi, "How does it feel?" tanong ko habang hinahabol ang hininga.

"Far from hell..." napatawa ako sa kanya.

"You already lose," I mumbled when I saw the figure of the prince almost in front of me.

"I know its impossible for me to survive at least I've tried," sagot niya.

"Tell me, what will happen for those students who didn't able to survive?" gusto kong malaman 'yun para kung sakaling 'di ako maka survive ay 'di na ako magugulat pa.

"Well, we will face our consequence for being a failure," malumanay nitong tugon.

"What kind of consequence?"

"A bloody one," so, that's a vampire's law. Hindi na ako magtataka pa.

"How about the injury that you've got?"

"The priestess will take care of this," meron rin palang mga ganun rito... Of course, its possible. Vampiric Auras almost have the different kind of creatures.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now