Chapter 8: Encountering the Demons

1.5K 70 0
                                    

NADATNAN ko si Ge Chen na nakatulog malapit sa may bintana. Siguro nakatulog ito sa paghihintay sa akin?

Dahan-dahan akong lumapit dito at pinagmasdan ang kanyang maamong mukha. ‘Di mo makikita sa kanyang hitsura ang mapaghigante niyang kalooban. Hindi ko maisip na kung sakaling ‘di pa kami nakapagpalit ng katawan ni Tomoki ay tiyak na lubusan siyang mangungulila rito. Ang oras kung saan kelan kami ni Tomoki nag palit ng katawan ay ‘yun ‘yung oras kung saan nakatakda na siyang mamatay.

Hindi ko alam kung ano ang posibleng maging sitwasyon ni Ge Chen pag nagkataong namatay si Tomoki.

Napasulyap na lamang ako sa aking kasuotan na siyang dahilan kaya ako napabalik sa aking sarili na kelangan ko ng maghanda para matulog at makakilos na ako sa kabila kong katawan.

‘Diko muna ginising si Ge Chen, total maaga na ngayon saktong-sakto para sa gagawin kong misyon.

Si Zeref, matapos niya akong ihatid sa mansyong ito ay bumalik narin ka agad siya sa kanilang teritoryo.

Tumungo na ako sa paliguan. Matapos kong maligo ay nagpalit na ako ng damit saka ginising si Ge Chen, “Mahal na prinsesa?” pumungay-pungay pa ang mga mata nito habang unti-unti nang naka recover ang kanyang mga mata sa paligid, “Nandito na po k---kayo?” halos maluha-luha siya nang sabihin ‘yun.

Ngumiti ako sa kanya, “Watashi wa anata ni i~tsu ta watashi wa tadashī daro u ima watashi wa modo~tsu te ki masu,” (I told you, I'll be right back. Now, I am back!).

“Anata ga anzen ni modo~tsu te ki te ureshī,” (I'm glad you came back safe!).

Hinawakan niya ang aking mga kamay, “I have to sleep Ge Chen,” ngumiti lamang siya sa akin.

“Suimin ōjo watashi wa anata ga tsukare te iru koto o shi~tsu te,” (Sleep well, princess. I know you're tired).

Inalalayan niya pa ako sa pagtungo ko sa aking pahigaan. Bago ako humiga ay hinarap ko muna siya, “Ge Chen,” napaseryoso naman siya sa pagtitig sa akin, “Wake me up if there’s something you want to report or if they will bother you. Just stay at my side,” tumango lamang siya.

“Watashi wa anata ga i~tsu ta koto o yaru,” (I will do what you have said).

“Arigatō gozai mashi ta,” (Thank you). At dahan-dahan na akong humiga sa aking kama. Kita ko pa ang pagngiti ni Ge Chen sa akin bago ako tuluyang pumikit.





Muli kong nakita ang mukha ni Ina nang iminulat ko ang aking mga mata, “Pwede ka nang mag-umpisang maglakbay. Hwag kang mag-alala may mga kasama kayo ni Zeref sa gagawin niyong paglakbay,” tiyak na agad ipinaalam ni Zeref ang aming gagawing paglakbay sa mga kasamahan niya at hinikayat ang kanyang mga kasamahang interesadong sumama.

“Maraming salamat, Ina,” ngumiti lang ito sa akin bilang sagot.

Nang lumabas na ako sa cabin ay nadatnan ko sina Zeref na nakahanda na sa aming gagawin. May dala na rin silang mga gamit. Nang tapunan ko ng aking mga mata ang aming magiging kasamang mga lalaki ay napagtanto kong sampu ang bilang ng mga ito. Isa na dito si Christopher na nakahalukipkip lamang na tila chill lang sa aming gagawin.

“So,” napalingon ako kay Zeref, “Shall we?” may pagtatanong ang mga mata nito nang tingnan ko siya. Tumango na lamang ako sa kanya.

“Mag-iingat kayong lahat,” sunud-sunod na paalam ng mga kababaihan at mga batang lobo sa amin.

“Mag-iingat rin kayo dito,” sagot ni Zeref sa kanyang mga ka uri at nginitian ang mga ito. At sumunod na ako sa kanya nang magsimula na siyang maglakad.


Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now