Chapter 52: Turns to Skeleton

990 53 2
                                    

NANGINGINIG ang mga kamay ng Diyosa ng Resurrection habang pinipigilan ang baraha sa pamamagitan ng paghawak nito upang ‘di nito tuluyang makitilan ng buhay si Andrein.

Nanlilisik ang mga mata ni Angelica, ang mga bagang nito ay tumiim narin dahil sa puwersang ipinapamalas niya.

Nang tumingin siya sa may kalayuan ay nakita niyang pasugod sa kanya si Claire habang sumusunod naman nito ang weapon guardian nitong si Trecsus.

“Prepare, Angelica!” matapos ‘yung sabihin ni Claire ay napunta na ito sa harapan niya at binigyan siya nang napakalakas na sipa pero natapik niya ito.

Ngumisi si Claire nang makitang hawak parin ni Angelica ang barahang ‘di parin binibitawan nito dahil sa oras na mabitawan niya ito ay katapusan na ni Andrein na ‘di kayang makatayo mag-isa.

“Paano ba ‘yan, Angelica. Tatapusin nalang kaya kita?” saglit na lumiwanag ang katawan ni Claire na ngayon ay nasa Angeloid form na siya. Sikretong sumanib kasi rito si Titania.

“Kung kaya mo?” nagningas nang kahel ang mga mata ni Angelica. ‘Di pa man siya nakagalaw ay lumipad na ang talim ng espada ni Claire sa kanya pero mabilis na umilag ang huli. Ang mga mahahabang tela ng damit nito ay nagsisilbing mga sandata nito para pang laban at pang depensa sa Diyosa ng Imortal.

Sunud-sunod na atake ang ginawa ni Claire ngunit lahat nang ito ay nagawang depensahin ni Angelica sa pamamagitan ng mahahabang telang nasa katawan nito.

Tumawa pa ito dahil ‘di man lang ito nasugatan ni nadaplisan nang sandata ni Claire, “Tingnan natin kung makakatawa ka pa!” nayayamot na wika ng huli.

Napatingin na lamang si Angelica nang kumislap ang daliri ni Claire, nakadikit na pala sa kanyang katawan, “Goodbye!” At tumalsik ang katawan nito sa malayo dahilan kaya nabitawan nito ang napakalaking baraha.

“H—HINDI!”

Matutuwa na sana si Claire sa susunod na mangyari ngunit may isang undead ang humatak sa katawan ni Andrein dahilan kaya napaiwas ito at ang undead ang natamaan sa baraha.

“What the—!” nanlaki lamang ang mga mata ni Claire nang may humila na undead sa kanyang mga paa galing sa ilalim ng lupa. At nakita na lamang niya ang pigura ni Pharsa na nasa harapan na pala niya.

“See you in the abyss, Goddess of Immortal!” sabay lipad nang kamao nito sa mukha ng huli dahilan kaya nawalan ito ng malay.

“Young lady!” lumipad si Trecsus para tulungan si Claire ngunit sunud-sunod na sinunggaban siya nang mga undead na Diyos at Diyosang may ‘di basta-bastang kakayahan.

“I’m sorry but the Goddess who owned you have no match against me!” Pharsa announced.

Bumagsak ang katawan ni Trecsus sa lupa. Lumiwanag pa siya saglit at naging espada matapos itong tadtarin ng atake at kapangyarihan ng mga undead.

“Sinong nagsabing tatakasan mo ako!?” paglingon ni Pharsa sa isang direksyon ay napasirko na lamang siya at sunud-sunod na iniwasan ang milyun-milyong palaso na lumilipad sa kanya.

Vanessa, the Goddess of Wolves hissed in anger when she saw Pharsa survived from those million arrows she sent.

“UNDEAD ATTACK!” Pharsa announced and a million of undead lunged their attack consecutively towards the Goddess of the Wolves.

Alerto ang mga mata ni Vanessa, pinagmasdan ng maigi ang mga galaw ng mga undead na kapag ‘di siya makakatakas rito ay sasapitin na niya ang kanyang kamatayan.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now