Chapter 28: Memory

1.2K 59 1
                                    

BAWAT PAGBAON ng mahahabang kuko ni Ge Chen sa aking kalamnan sa likuran ay napapakagat labi ako para inadahin ang sakit nito. Kinukuha niya ang mga nakalibing na maliliit na sanga rito dahil sa nangyari kanina.

Nandito kami sa loob ng paliguan ng palasyo. Matapos ang nangyari sa Pherinlan ay ibinigay ko kay Master Atos ang may tatlong mga matang paru-paro. Maraming natuwa sa pagkakuha ko sa paru-parong ‘yun. ‘Yung iba ay nagtanong pa kung paano ko ‘yun nakuha. Of course, I told them the truth. May iba namang nagtaka kung bakit sa akin pa talaga ito magpakita sa dinami-dami namin roon. Others believe that it was just a miracle. Meron namang hindi.

Ang iba naman ay nagtanong kung nasaan ang mahiwagang nilalang na pinagtataguan nito. Sinabi ko na lamang na ‘diko rin alam na kahit na ang totoo ay nasa harapan na nila ito na 'di nila nakikita.

About Haru, that spiritual beast. Pinayagan ko na siyang sumama sa akin at nandito lamang siya sa aking paligid nagliliwaliw.

Dahil nagkataong may kailangan akong malaman ay ‘di ako nagdalawang isip na kupkupin siya. Kinakailangan ko ang tulong niya para malaman ang pagkamatay ng mahal na prinsesa na si Felicity.

Nabalik lamang ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagdampi ng daliri ni Ge Chen sa aking sugat na unti-unti ng naghilom, Tapos na po, mahal na prinsesa.”

Nang tingnan ko ang tubig ng binababaran naming bathtub ay may halong dugo ko na ito. Pero ‘diko ‘yun pinansin.

Naramdaman ko ang unang pag-ahon ni Ge Chen dahil sa paggalaw ng tubig. Unti-unti narin akong tumayo. Ramdam ko pa ang pagdausdos ng ilang butil ng tubig mula sa aking hubad na katawan.

Ang sunod kong naramdaman ay ang paglagay ni Ge Chen ng tuwalya sa aking kahubaran.





Habang nakaharap ako sa malaking salamin ay sinusuklayan ni Ge Chen ang mahaba kong buhok. Ako naman ay nakatitig lamang sa sarili kong repleksyon.

“Wala bang ginawa ang reyna sayo, Ge Chen?”

“Hindi naman po kami nagkasalubong,” mahinahon nitong sagot. Matapos niyang suklayan ang tuyo kong buhok ay inayos na niya ito bago tinalian.


Nasa may harden ako nun nakatitig sa isang bulaklak na kapareho nung bulaklak na aking pinitas na may taglay na sumpang lason.

I’ve been thinking of the curse prevalence kung kailan ba talaga ito aabot sa imperyong ito. I’m not saying na pinapanalangin kong, ‘sana ay tuluyan nang lumaganap ang sumpa,’ ang akin lang ay kelan kaya ito kakalap sa mundong ito?

“You’re alone,” I heard a soft and sweet voice of a baby at the back of me. Nang harapin ko ito ay sumalubong ang mukha ni Haru nang nakanguso.

“Tell me, Haru. Bakit ka lumipad ng ganun kabilis sa Pherinlan?” hindi pa rin ako makaisip ng dahilan kung bakit bigla siyang sumulpot ng ganun. Maliban nalang sa narinig ko galing sa kanya. Abyssal demon… kasapi ni Hareim.

Nang naroon ako ay nakita ko sa isipan ng isang abyssal demon na limampung bata na lamang ang kinakailangan nila para magawa na ang ritwal na kanilang pinaghahandaang gawin.”

Iyon ang sinabi ng isang abyssal demon na inialay ni Ina para sa pangalawa kong katawan. Mangyayari na ang paglaganap ng sumpa kapag nagkataon. This only means that, kailangan ko ng magmamadali sa pagkilos sa kontrata ko kay Tomoki.




Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now