Chapter 1: The Contract

3.2K 95 1
                                    

'We're united because we're connected.'


NAKAUPO ako sa loob ng train habang malalim ang iniisip. Pakiramdam ko mas grabe pa ang problema ko ngayon kesa normal na tao na naghahanap ng pera para may ma-ipambili ng bigas.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang mga paligid na naglalagpasan ng train. Sa mga ganitong klaseng senaryo naaalala ko 'yung mga panahong nagpahangin ako sa may terrace ng train at nagpakita si Hiro.

Sariwang-sariwa pa rin sa aking alaala ang mga pangyayaring 'yun kahit ilang taon na ang nakalipas.

Pumikit ako habang pinakiramdaman ang paligid.

Sobrang payapa ng paligid at tanging ang pagtakbo lamang ng train ang aking naririnig. Pwede bang magpahinga muna ako kahit saglit lang?

Muli kong naramdaman ang dahan-dahang pag dausdos ng butil ng aking luha.

Maya-maya lang ay namalayan ko nalang na bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. I remember that time when we travel. It took three days before we reached the Vasemuelle Kingdom. At sa ngayon kailangan ko munang magpahinga.

Naalimpungatan ako nang may marinig akong paglapag ng kubyertos  sa mesa kung saan nakahilig ang aking uluhan.

Dahan-dahan akong napa angat ng tingin at nakita ko ang isang may edad ng babaeng Garcae, "Maghapunan ka muna, Binibini. Alam kong pagod ka." nakangiti ito sa akin.

Dahil sa sinabi niyang maghapunan ay napatingin ako sa labas ng may bintana. Gabi na pala...

"Maraming salamat po." pagtutukoy ko sa pagkaing ibinigay niya.

"Walang anuman," tumalikod na ito at pumasok sa kabilang pintuan.

Napatingin na lamang ako sa pagkaing nasa harapan ko. I'm very hungry...

Kinuha ko na ang kutsara't tinidor at nilantakan ang adobong manok, caldereta, tinulang manok at ang fried rice.

Halos 'di na ako makahinga ng maayos pagkatapos kong kumain dahil sa sobrang busog. Hindi naman siguro ako tataba nito...





*****

Lumipas na ang dalawang araw sa pananatili ko dito sa loob ng train at ngayon ay nag aabang na lamang ako kung kailan hihinto ang train.

Nakaupo lang ako habang nilalaro ang puting apoy na lumalabas sa palad ko. Napatingin ako dito at ginawa na naman itong kristal ng yelo. Pinaangat ko ito sa ere at pinasabog ito. Naging pinong alikabok ito at naramdaman ko pa ang lamig na taglay nito nang maglanding ang mga ito sa aking braso.

Napaisip ako saglit nang pumasok sa aking isipan ang Shrine. Tiyak na masusurpresa 'yun sa walang pagpaalam kong pagdating.

Sakto naman nang unti-unti nang huminto ang train. Rinig na rinig ko pa ang pag-ingay ng gulong nito sa railings.

Hanggang sa tuluyan na itong 'di gumalaw. Napatingin na ako sa may bintana at natanaw ko ang kabuuan ng palasyo. Finally!

Dahan-dahan ang mga hakbang na ginawa ko bago ako makatapak ng tuluyan sa lupa. Nakatitig lamang ako sa kabuuan ng palasyo. Narinig ko pa ang pag-andar muli ng train at tuluyan na itong lumihis.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now