Chapter 24: Subtle Pearl

1.2K 59 0
                                    

ARE YOU ready?” marahan akong tumango sa prinsipe nang makarating ako sa Xiauhem.

Kanina ka pa?”

Nope,” he shrugged his shoulder, “Kararating ko lang,” halos mawala na naman ‘yung mga mata niya nang ngumiti siya, “So, tara?” Papunta kasi kami sa isang lugar kung saan namin makukuha ang mahiwagang perlas.

Tumango ako saka sumabay sa kanyang mahahabang hakbang na halos ‘diko masabayan.

Kamusta naman ang pagbalik mo sa mansyon mo?” bigla niyang tanong nang malapit na kaming makalabas.

Napangiti naman ako sa kanyang tanong at sumagi sa aking isipan ang ginawa ko sa mga ahas na ‘yun.

Sa ngayon, iniimbestigahan na nang mga siyentipikong bampira ang pagkaing ‘yun. Kapag makumpirma nang mga bampirang may lason ang pagkaing ‘yun wala na silang kawala pa. Any moment, those snakes will suffer in dungeon.

Well, nothing special,” natatawa kong sagot sa kanya.

Napansin kong kumabila kami nang dinaanan, “Saan ba natin makukuha ang mahiwagang perlas na mga ‘yun?”

Sa sovereign,” seryoso niyang sagot na dahilan kaya napalingon ako sa kanya.

Noong una ay inakalang ko lalaki ang emperador ng imperyong ito ngunit nang marinig ko sa prinsipe ang salitang ‘sovereign’ ay napagtanto kong babae ito, ‘yun ang tawag sa mga babaeng pantay ang antas sa mga emperador.

Saan natin matatagpuan?”

Tinawanan ako ng prinsipe, “Ang kulit mo,” sumingkit muli ang mga mata niya, “Malalaman mo rin,” dahil malawak ang Hasseium ay ‘diko alam kung saan kami patungo. Basta ang alam ko lang ay sumusunod lamang ako sa kanya.

Ilang gusali na ang aming nalagpasan. Ang ibang mga bampira ay napapatingin sa amin. May nakasalubong rin kaming mga bampirang may malalakas na presensya. Hula ko ay isa sila sa mga may matataas na ranggo dito sa Hasseium.

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa huminto na kami. Nagulat pa ako nang nasa harapan na kami nang napakataas na templo.

Tiningnan ko ang prinsipe nang may pagtatanong, “So, what are we going to do here? Dito na ba?” pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng templo.

Hindi ko mahula kong ilang metro ang kahabaan nito.

Let’s get inside,” at nagsimula siyang maglakad papasok dito. Naiwan naman akong nakatingin lang sa kanyang likuran. So, dito na talaga

Nang buksan ni Kyohanne ang pintuan ay lumikha ito ng matinis na ingay na umalingawngaw sa paligid at kita ko pa ang mga alikabok na naglagasan galing sa itaas ng pintuan.

Is this a sacred place? Mukhang wala nang pumapasok dito… Pero talaga bang tama ang lugar na aming napuntahan? This place looks like a sacred one, na halatang pinagdaanan na nang ilang taon.

Pumasok kami rito at sumalubong sa aming mga mata ang napakadilim na paligid. Nag-adjust naman ang aking paningin sa paligid. Nangningas ang aking pulang mga mata hanggang sa tuluyan ko nang maaninag ang paligid.

Ang daming bahay-alalawa na makikita dito. Puro sapot nang gagamba ang halos makikita sa kapaligiran. Hinawi ni Kyohanne ang mga ito na nakaharang sa dadaanan. I didn’t thought that we will get the subtle pearl in this kind of place? I thought nasa isang opisina lamang ito makukuha...

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now