Chapter 49: Apprentice of Eternity

1.1K 72 6
                                    

KAKALABAS palang nila mula sa lagusan na kanilang ginawa ngunit kaagad silang napahiwalay nang bumulusok sa kanila ang isang bampirang kawal ng magkakapatid na Zeurdous. Halatang galing 'yun sa pakikipaglaban dahil nang bumagsak ang katawan nito sa may lupa ay naging abo na ito.

Lumitaw ang isang kulay asul na diyamante sa kamay ni Hermoine at walang habas na nagpakawala ito nang sobrang lakas ng hangin na dahilan kaya nagsitalsikan ang mga undead. Idagdag mo pa ang iba't-ibang halimaw na alagad ni Andrein na kahit malalakas at malalaki ang mga ito ay 'di ito nakaangal sa dalang pwersang ipinamalas ng diyamante ni Hermoine. Nagkulay asul pa ang mga mata nito at nakikisayaw naman ang kulot nitong buhok sa kawalan.

Lahat nang sumusubok na lapitan silang tatlo ay 'di makalapit. Nagsilutangan rin sa kawalan ang mga butil ng buhangin hanggang sa bumuo ito nang napakaraming bloke ng bato at walang pag-aalinlangang lumipad sa 'di mabilang na mga undead. Sa pangalawang pagkakataon ay muling umulan ng batong apoy, ang walang tigil na pagwawala ng hibla ng kidlat sa kalangitan na sinasamahan ng kulog, ang paglindol na siyang nagbawas nang bilang nang mga walang katapusang undead at halimaw, muli na namang lumindol na lumikha ng sandaang biyak ng lupa na nilabasan nang mga lava, ang mga buhawing biglang lumitaw at sumabog sa iba't-ibang anggulo ng lugar kung saan sakop ng imperyo ng Ursua Zetharius. Ang lahat ng 'yun ay kagagawan ni Eleanor na nagliliwanag na ang mga mata ng kulay berde.

Sa kinatatayuan ni Leilah na may biyak ay sumabog dito ang malakas na tubig na minanipula lamang niya gamit ang isipan. Lahat ng tubig na sumabog ay huminto sa ere. Kasabay ng paliwanag ng kulay lilang mga mata ni Leilah ay ang paghugis matutulis na kristal ng mga tubig. Nang itutok niya ang palad sa direksyon ng mga kalaban ay lahat ng matutulis na kristal na gawa sa tubig ay bumulusok sa mga ito.

"Alam niyo ba kung sino ang makakalaban niyo?"

Napalingon si Eleanor sa isang gawi at walang pag-aalinlangang pinalipad rito ang napakalaking bloke ng bato. Ngunit mabilis itong nahati ng kalaban at sumalubong sa kanila ang nakangising mukha ni Luthor, the God of the Invincibility.

"Eleanor watch out!" napaigtad si Eleanor sa sigaw ni Hermoine nang may sumunggab sa kanyang napakalaking kulisap.

Mabilis namang bumack-up si Leilah at sa isang kurap lamang ng mga mata nito ay nilamon kaagad ang kulisap nang rumaragasang tubig na nag-anyong ahas sa kawalan. The giant bug was being tortured by the water while floating on void until it is out of oxygen to breath. Inihampas pa 'yun ng tubig sa lupa at 'yun ay tuluyan nang nagngisay.

"Ugh!" napadaing si Eleanor nang tumama sa kanyang likuran ang isang malakas na kamao dahilan kaya siya tumalsik sa kinaroroonan ni Leilah. Hindi niya napansin na napalipat na pala sa kanyang likuran si Luthor at nakakuha agad ito ng tiyempo para patalsikin siya.

"ELEANOR! LEILAH!" Nababahalang sigaw ni Hermoine.

Sinubukan niyang pigilan ang paglipad ng katawan ng dalawa dahil pati si Leilah ay nadala sa lakas ng pagtalsik ni Eleanor. Iaangat pa sana niya ang kamay para gumamit ng kapangyarihan ngunit may dumapong nilalang sa kanyang harapan suot ang demonyita nitong ngiti.

"Too late for you," huli na para makagalaw si Hermoine nang lumipad ang nakabukang palad ni Nishra sa kanyang mukha.

"Ugh!" halos umikot ang kanyang katawan sa kawalan dahil sa lakas ng sampal ng kalaban na may dalang buong pwersa, sumalpok ang kanyang katawan sa may lupa. Napahawak kaagad si Hermoine sa kanyang ibaba na pakiramdam niya ay natanggal iyon. Pag-angat niya ng tingin mula sa kinababagsakan ay sumalubong muli sa kanyang mga mata ang nakangising mukha ni Nishra.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now