Chapter 14: Chaos

1.4K 66 0
                                    

“WHAT ARE you talking about!?” ‘diko mapigilang ‘di ma pa sigaw sa sinabi nang aking kaharap.

“You clearly heard what I’ve said, young lady. And you don’t have any choice but to accept your fate,” napailing ako sa kanyang sinabi habang mapaklang tumawa.

“Hahaha! You captured the wrong one. I’m not fit as a Queen in your tribes and what fate are you talking about!? No one knows my exact fate, even you!” pinakalma ko ang aking sarili para ‘di na madagdagan ang maaaring gagawin nila sa akin kung magalit ko siya.

‘Di naman ako nito sinagot pa. Tinalikuran lamang ako nito at tumungo ito sa may tabi at may kinuhang kahon na may lamang mga itim na halaman.

Rinig na rinig ko parin ang awit ng mga nilalang na nasa aking paligid. Hanggang sa bumalik na sa aking harapan ang kumausap sa aking nilalang. Sa totoo lang wala akong ka alam-alam sa mga nilalang na kagaya nila. This is just my first encounter with them.

“Prepare yourself, young lady.”

Nagpupumiglas muli ako sa tali nang makita ko ang pagliyab ng puting apoy sa kanyang palad. Bakit may puti siyang apoy? Only a chosen—like me have that kind of power.

“Why do you have that kind of power?” Hindi parin ako tumigil sa pagpupumiglas. Ramdam kong may masamang mangyayari sa akin kapag ‘di ako makakaalis dito.

“Because I am one of the morning shadow!” mas lumakas lamang ang pag liyab ng puting apoy sa kanyang palad.

Feros auravoir!” namilog ang aking mga mata nang ‘di ko man lang nakita ang mga kumikinang na alikabok ni Feros. Bakit ‘di ko siya ma-summon!?

“Why I can't—ugh!”

Napansin ko nalang ang unti-unting paghina ng aking katawan.

“W—what have y—you done to m—me?” parang unti-unti akong nawawalan ng boses at parang inaantok na rin ako dahil sa puti niyang apoy.

“Para maging madali ang bagay na aming gagawin.”

“You can’t do that to me!” nang tuluyang bumigay ang talukap ng aking mga mata ay na aninag ko ang kulay ng kanyang mga mata kahit usok lamang siyang naghuhugis tao sa aking paningin. Kulay puti ito…





THIRD PERSON’S
Points—of—View

“Ugh!” napamulat ng mata si Zeref nang maramdaman niya ang sobrang sakit at bigat ng kanyang katawan animo’y tinortyur siya ng sapak nang kung sino mang 'di mapangalanan.

Napahawak siya sa kanyang ulo dahil nahihilo parin siya. Malalim ang ginawa niyang paghinga nang kusutin niya ang kanyang mga matang nanlalabo.

Maingat siyang bumangon mula sa pagkakahiga dahil napapangiwi siya kapag nagagalaw ang mga parte ng kanyang katawang masakit.

Nang ilibot niya ang kanyang paningin sa paligid ay napansin niyang kagigising lang rin ng kanyang mga kasamahan at kagaya niya, nararamdaman rin nito ang bigat at sakit na nararamdaman niya.

Napaisip siya kung bakit ganun ang nangyari sa kanila. Sariwa sa kanyang mga alaala bago sila natulog ka gabi ay naghapunan lamang sila ng usang kanilang nahuli.

Muli siyang napahawak sa ulo dahil nararamdaman muli niya ang kirot dito. Daig pa niya ang nagka hang over sa pagkalasing.

Ano bang nangyari?” napalingon siya kay Christopher nang magsalita ito. Hawak nito ang kanyang balakang na parang napalo nang ilang beses ng dos por dos, “Ang sakit ng balakang ko!” reklamo pa nito.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now