Chapter 51: Blades of Card

1K 53 2
                                    

“WHAT ARE we waiting for?!” umalingawngaw ang boses ni Vexa.

Seryoso ang mukha ng lahat. Naghihintay ang mga ito sa kung sino ang unang kikilos.

Sa isang iglap lang ay mabilis na lumipad si Luthor patungo sa direksyon ni Kim Dwight. Na alerto ang lahat na naroon at dahil sa pagtakbo ni Luthor ay sumugod na rin ang ibang kasamahan nito na walang katakut-takot namang hinarap ng mga mabubuting Diyos at Diyosa.

Mabilis namang dumapo si Isaac at Lacsus sa tabi ng bangkay ni Kim, upang protektahan ito.

“We won’t let you, Luthor,” Lacsus mumbled and when Isaac held his hand he became a huge sword of the last.

Nang makalapit na si Luthor ay sinalubong kaagad ito ni Isaac. They exchanging attacks towards each other, and when Luthor unleashed a super strong blow, his palms glimmered before it hit Isaac.

Although the last turns himself into a buckler and Lacsus who became a sword earlier transformed into a human and who’s now holding the buckler which is Isaac.

He quickly blocked the forceful punch that Luthor gave through the buckler he’s holding.

Bahagya pa siyang napaatras sa sobrang lakas ng pwersa ng suntok nang kalaban na sinasabayan pa ng pag kislap ang kamao nito.

Nang bumwelo na naman ito para sumuntok ay mabilis na tumalon sa itaas si Lacsus at naging malaking espada ulit habang ang hawak niyang buckler ay naging si Isaac.

Bumulusok ang talim ng espada na hawak ni Isaac patungo sa kalaban. Ngunit sinalo lamang ito at binalibag nang sobrang lakas kasama siya.

Patakbong lumapit si Luthor sa bangkay ni Kim ngunit napahinto siya nang may napakalaking lobo ang humarang sa kanyang dadaanan na agad nag-anyong tao, ang Alpha ng Lupus Tribe.

Seryoso ang mukha ni Zeref habang nagningas ang mga dilaw nitong mga matang nakatitig kay Luthor na nginisihan lamang nito.

“Anong laban ng lobong kagaya mo sa isang Diyos na katulad ko?” may pangungutya nitong tanong.

“Bakit ‘di mo subukan?” pagkasabi nun ni Zeref ay mabilis niyang sinunggaban si Luthor sabay nag-anyong lobo.

Habang nagkaharapan na ang masasama at mabubuting Diyos at Diyosa ay mabilis naman ang bagwis ng mga pakpak ni Hiro. Naghahanap ito ng pagkakataong makalapit kay Kim Dwight.

Bago pa man may makapansin sa kanya upang pigilan ay nakalapit na siya sa bangkay ng kapareha.

“What do you think you are doing?” napalingon siya ng mabilis kay Ina na gumawa ng ilang hakbang papalapit sa kanya upang protektahan si Kim Dwight mula sa kanyang mga kamay.

Ngumisi lamang si Hiro rito at nang ipitik lamang nito ang mga daliri ay sumulpot bigla si Hideo at sinunggaban si Ina, ngunit ‘di man lang na alarma ang huli sa biglang pag-atake sa kanya.

Nang iangat nito ang sariling mga mata sa papalipad na nilalang sa kanya ay animo’y sumabit sa isang invisible barrier lamang si Hideo, na ngayon ay nakalutang lamang sa ere habang nagpupumiglas mula sa kapangyarihan ni Ina.

“You’re quite strong, Ina.”

Na alarma kaagad si Ina at mabilis na napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ng Diyosa ng Walang Hanggan. At parang naubusan pa siya saglit ng ibubugang hininga sa kabang biglang bumalot sa kanyang puso.

“Gawin mo na ang gusto mong gawin sa kabiyak mo, Hiro. Ako na ang bahala sa estudyante kong ito,” kaagad namang tumungo si Hiro papunta kay Kim ngunit bago pa siya makalapit nang tuluyan ay hinarang na siya ng Diyosa ng Imortal.



Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now