Chapter 41: Hard Decision

1.2K 58 8
                                    

MALIWANAG ANG buwan, kita ko pa ang sinag na nanggagaling rito na pumapasok sa bintana ng kuwartong tinutuluyan ko. Malamig rin ang himig ng hangin kaya ‘diko maiwasang ‘di mapayakap sa aking sarili.

Alas dose na rin ng hatinggabi, ang pinaka paboritong oras ng bampira at lobo.

I stepped towards the window and saw the super moon on the night sky. My peculiar eyes glows in seconds but quickly disappeared.

Mula sa may kalayuan ay rinig ko ang sunud-sunod na alulong ng mga lobo. Alam kong sina Zeref ‘yun kasama ang kanyang mga packs.

Dahan-dahan ko namang binuksan ang bintana at mula roon ay tumalon ako hanggang sa dumapo ako sa bubong.

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid at nakita ko ang silhouette ng isang babaeng nakatayo rin sa bubong na ‘to. Medyo may layo ang pagitan nito sa akin.

Hindi pa man ako nakaimik ay naramdaman ko ang pagtabi nito sa akin ng ganun kabilis. I was in relief na isa ito sa mga babaeng Zeurdous.

“L—lady Denise?” dahan-dahan itong lumingon sa akin at malumanay na ngumiti.

“Just Denise,” pati ang kanyang boses ay matamlay. Animo’y may dinadala siyang sakit na nagpapalubha lalo sa karamdaman niya.

Maingat kong hinawakan ang kanyang mga kamay. Gaya ng inasahan ko ay sobrang lamig nito. Hindi normal ang lamig ng kanyang katawan. Kasing lamig siya ng bloke ng yelo.

“A—are you sick?” may pag-aalinlangan kong tanong. Inasahan kong tatango siya bilang sagot pero umiling lamang ito. Kaya mas nagtaka lalo ako sa kalagayan niya. Ibang-iba ang lamig ng kanyang katawan. Hindi ito kagaya ng normal na lamig nang katawan ng mga bampira. Kung ikukumpara sa kanya ay masasabi kong kakaiba talaga siya. Kahit ang kulay ng balat niya ay sobrang putla kulang nalang mag kulay ube na siya sa kanyang kaputlaan.

“Do you have any idea why I am being like this?” mahina siyang magsalita kaya ‘diko maiwasang ‘di mag-alala sa kalagayan niya.

Umiling lamang ako sa kanyang tanong. Nanatili namang nakatitig siya sa maliwanag na buwan. The light from the moon reflected on her dull eyes as she spoke, “When brother Hiro died I become like this.”

Ano bang meron sa kanya kaya ka nagkaganito?”

She confronted me without blinking her eyes. Pakiramdam ko hinihigop ako nang kaibuturan ng kanyang mga mata habang nakatitig ako rito.

“Because we have a strong bond that was made by our parents. At dahil sa pagkamatay niya ay tila pati ako ay susunod na sa kanya. Siguro kung hindi ka lang dumating ay tuluyan na akong pumasok sa kabaong kung nasaan siya ngayon. At alam mo ba kung anong bond ang meron kami?” I shook my head in a second time, “Ang nyebe niya ang nagbibigay buhay sa akin bilang kapatid niya,” a tears fell down from her eyes, “His snow is my energy. Kaya nang maramdaman ko kanina sa loob ng palasyo ang presensya mo ay tila nanumbalik ang dati kong lakas maliban sa kulay na meron ako ngayon,” pagtutukoy niya sa kaputlaan niya, “Can you make me strong through the power of ice inside you… please…?” her eyes were begging na nagpapalambot sa aking puso.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now