Chapter 42: Awakening the 1000 Year Demon

1.2K 56 8
                                    

EVERYTHING WENT so fast. Para bang isang kurap ko lamang tila madaling nangyari ang mga bagay na ‘diko inasahan.

Biglang dumating sa palasyo ang mahal na hari. Ang hitsura nito ay tila inasahan na nito ang aming presensya sa loob ng kanyang palasyo. At hindi ko maiwasang ‘di mapalunok sa tuwing lumalandas ang mga mata nitong ubod ng lamig sa aking gawi. His eyes can make your knees tremble like your in front of your death. Idagdag mo pa ang kanyang presensyang nakakapagpigil hininga sa lahat. Kahit ang kanyang mga anak ay ‘di mababalewala ito ng basta-basta.

May mga bagay rin akong napagtanto kung kanino nagmana ang ilang anak niya. Sa kanya nagmana sina Hiro at ang pagiging malamig ng iilang mga kapatid nito. Kahit na ganun ay ‘diko maiwasang ‘di kabahan.

Sa kasalukuyan ay andito kaming lahat sa harapan ng kanyang trono kung saan siya prenteng nakaupo ro’n. May hawak na kopitang may laman ng dugo at mahinang sumisimsim rito.

Sa totoo lang nakakangalay siyang tingnan sa pinaggagawa niya. Ewan ko, kung sinasadya niya ba ‘yun o hindi.

Si Jade na ang nagpaliwanag sa mahal na hari kung ano ang pakay namin sa kanyang palasyo. At malakas ang aking kutob na may alam na siya rito sa pamamaraan palang ng pagtitig niya sa akin kasama sina Hailey at Zeref.

Bigla na lamang akong natigilan nang makita ko ang biglang pagngisi ng hari. Hindi dahil sa ganun ang mga ngiting meron si Hiro kundi dahil sa pag biglang paglaho ng nakakasakal niyang aura sa paligid matapos ipaliwanag ni Jade ang mga bagay-bagay sa kanya.

Napahinga kami ng maluwag pero ‘di parin mawawala sa akin ang pagtataka kung bakit bigla nalang naging ganun ang kanyang inakto.

Tumikhim pa ito saka hinagod kaming lahat ng kanyang tingin, “Una sa lahat, nagbalik ako sa palasyong ito para harapin ang mga bisita ko,” ngumiti na naman ito na animo’y naramdaman niya kanina na ‘di kami naging komportable sa mga titig na ibinibigay niya, “At isang bagay talaga ang nagpaudyok sa akin na bumalik ng tuluyan dito,” sa pagkakataong ito, dumako ang kanyang mga mata sa akin, kaya ‘diko mapigilang ‘di mapalunok, Dahil sa pag-ulan ng mga nyebe kagabi. Naramdaman kong may koneksyon ito sa namatay kong anak. Ikinagagalak kong masilayan ang reinkarnasyon ng Diyosa ng Huling Pag-asa na naging kabiyak ng aking anak,” sumeryoso ang kanyang mga mata sa sandaling ito.

Pakiramdam ko, mamatay ako sa sobrang lamig ng titig na ipinapakita niya. Napigilan ko na naman muli ang aking paghinga.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Hailey sa aking malamig na kamay. She pressed my palm to encourage me not to get frightened by the King’s eyes.

Hwag kang kabahan, magandang Diyosa,” at umalingawngaw ang tawa ng hari. Hindi tawa ng isang demonyo kundi tawa ng isang normal na nilalang na sobrang natawa sa partikular na bagay. Ako naman ay kulang nalang ay lalabas sa aking ulo ang malaking question mark.

“Father, you’re creeping brother’s mate out!” reklamo ni Welmer.

Saka ko lang napansin na pinagtatawanan na pala ako ng buong pamilyang ito. Kami lang yata ng mga kasamahan ko ang ‘di nakaramdam ng tuwa sa nangyayari ngayon.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now