Chapter 21: A Hunt to Survive

1.3K 57 0
                                    

LUMIPAS ANG isang araw ay ‘di naman naging masama ang araw ko sa pananatili sa palasyo, kahit sa Hasseium.

Kasalukuyan akong nakahawak sa busog at palasong gagamitin ko mamaya sa pag-uumpisa nang aming klase. Sinuri ko ito nang maigi baka maging pabigat lamang ito mamaya sa akin kapag nagkataon.

Pansin kong wala namang magiging problema sa aking gagamiting pamana.

Sumeryoso ako at itinutok ito sa direksyon ng prinsipeng papalapit sa akin. Nagulat naman ito sa aking ginawa at nang makabawi ay tinawanan lamang ako.

Ang totoo niyan ay nagkataong magkasabay ang aming klase kaya naman no choice akong kukulitin niya.

“Trip mo?” halos mawala na naman ang kanyang mga mata nang ngumiti siya. Ibinaba ko naman ang aking pana.

Medyo,” mas lalo lang siyang natawa sa aking sinabi na ‘diko naman pinagtutuunan ng pansin.

Nang mapansin naming nagsitabihan na ang aming magiging kasama sa pag-eensayo ay hinila na ka agad ng prinsipe ang aking pala pulsuhan at nakiusisa na kami rito.

“Sa ngayon ay mag-uumpisa na ang training na inyong gagawin,” napatingin ako sa may unahan kung sino ‘yung nagsasalita. Sumalubong naman sa aking mga mata ang lalaking medyo puti na ang mataas na buhok at mayroong mataas nang bigote.

Pinakinggan lamang namin ang lahat nang introduksyon na kanyang inihayag, “Sa ngayon ay, ang dapat ninyong gawin ay pumili ng inyong magiging kapares sa pamamana,” napatingin naman ako sa prinsipe nang hawakan nito ng mahigpit ang aking pala pulsuhan.

“You’ll be my partner,” nakita ko pa ang pagguhit ng kanyang ngiti sa labi.

“As if I do have any choice,” he just chuckled.

Muli kong ibinaling ang aking mga mata sa matandang nagbibigay ng patakaran para sa gagawin namin, Kapag may kapares na kayo ay ilalaban kayo sa isa na namang magkapares. This training is called hunt for survival,” buti naman ‘di ako beginner sa pamamana, Paramihan kayo nang napapanang mga itim na ibon sa loob ng kagubatan,” I love the idea, “Kung sino ang maraming napana ay siya ang panalo. At sila ay gagantimpalaan ng tig-iisang mahiwagang perlas.”

Napantig ang aking tainga nang marinig ko kung ano ang makukuhang gantimpala. Ang mahiwagang perlas ay may kakayahang hanapin ang isang bagay na gusto mong makita kahit ilang milya pa ang layo nito sa ‘yong kinaroroonan.

Kapag manalo ako sa kompetisyong ito ay may magagamit na ako sa paghahanap ng mga bagay na gusto kong makita.

“May katanungan ba kayo?”

May nagtaas naman ng kamay at tinanong ang matanda. Sa totoo lang ‘diko kilala ang matandang ito dahil baguhan lamang ako. And to know his name doesn’t concern me.

“Are we allowed to hurt the other participant?”

“Yes, as long as it won’t killed them,” napangisi ako sa narinig. Vampire is always a vampire. They don’t give any concern to their people as long as they still breath.

Matapos ang paliwanag ng matanda ay pinatungo na kami sa isang kagubatan.

Habang naglalakad ay biglang nagsalita ang prinsipe.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now