Chapter 20: Second Sign

1.4K 60 3
                                    

NAKATUNGO lamang si Tomoki habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama matapos siyang kausapin ng Diyosang ‘yun. Bumabagabag sa kanyang isipan ang pangitaing ipinakita nito sa kanya. Pero para sa kanya pwede niya ‘yung maiwasan. She can change things that she’s already aware of.

Pero ang bagay na iniisip niya ay ang sinabi nitong haharangan siya nito sa karaniwan niyang misyon. Maaari niya itong makalaban pag nagkataon ngunit kung ang pagbalik lamang niya sa kanyang orihinal na katawan ang solusyon para maiwasan ang gulong mamamagitan sa kanila ay hindi niya ‘yun gagawin. Makasarili man itong pakinggan pero para sa kanya ito ang nararapat.

Naging tao rin naman siya noon kaya naman sa pagkakataong ito ay wala siyang ibang gustong sundin kundi ang kanyang puso. Ang makita ang kabiyak niyang nalusaw mismo sa kanyang harapan noon. Iyon lamang at wala nang iba. Gusto niyang kahit kaunting pagkakataon lamang ang ibibigay sa kanya, para sa puso niya ay ayos na sa kanya bago niya gagampanan ang responsibilidad bilang isa sa apat na itinakda.

“Mahal na prinsesa,” napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses ni Ge Chen. Nag-alala itong lumapit sa kanya nang mapansin nito ang problemado niyang hitsura, “May problema po ba?”

Umiling lamang siya dito. Dahil ang totoo, ayaw niyang masali ito sa gulong posible niyang mapasukan, “Wala naman may naisip lang ako.”

Ngumiti naman si Ge Chen sa naging sagot niya, “Totoo po ba ang nangyari sa Hasseium?”

Sandali siyang natigilan sa tanong ng kaharap. Pati pala dito ay umabot ang balitang nangyari sa Hasseium, sabagay main capital school ‘yun nang sakop ng imperyong ito at hindi lang dito aabot ang balitang nangyari—all kingdoms will hear that news.

“Totoo ‘yun,” wala sa sarili niyang sagot. Hindi naman sa namomoroblema siya sa nangyaring ‘yun kundi dahil ‘di parin niya nakakalimutan ang sinabi ng Diyosa.

“Kung ganun tiyak na mas magalit ang mga Ugawa sa inyong ama—at posible ring pag-iinitan rin kayo,” nag-alalang wika ni Ge Chen.

“Sa akin sila magalit dahil ako ang pumatay sa kanilang bratinelyang anak,” wala sa sariling sabi ni Tomoki, nanatiling nakatitig lamang siya kay Ge Chen.

“Ayos lang ba talaga kayo?” nagdududa na si Ge Chen dahil sa inaakto ng kaharap.

Pero sa pagkakataong ito ay umiling na si Tomoki, “Hindi ako maayos. I need to take a rest, I guess,” hinayaan lamang nitong bumagsak ang kanyang katawan sa kama.

Makikita sa kanyang mga mata ang lungkot na kanyang nararamdaman at kahit ‘di man niya sabihin ito kay Ge Chen ay alam na ni Ge Chen ito.

May kutob si Ge Chen na may ‘di magandang nangyari sa sinisilbihan niyang prinsesa. Alam na niya ang totoong pagkatao nito at alam niyang may dinadala itong problema bilang isa sa mga itinakda, “Sige, maiwan ko muna kayo,” tumalikod si Ge Chen at bago ito tuluyang makalabas ay may biniling salita muna ito, “Oo nga po pala,” napatingin sa kanya si Tomoki, “Gusto kayong makausap ng prinsipe pero mukhang problemado po kayo. Hwag po kayong mag-alala sasabihin kong nagpapahinga po kayo.”

Napabuga ng hangin si Tomoki habang nakatitig sa may ceiling ng kuwarto.

“Wala na akong paki kung ano man ang gagawin ng Diyosa ng Immortal sa akin. Ang mahalaga para sa akin ngayon ay ang makita ang aking kapareha,” dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng dilim.








◈◈◈◈◈◈

“GISING kana pala,” ang sumalubong kay Tomoki nang maimulat na niya ng tuluyan ang kanyang mga mata sa kabila niyang katawan. Pumungay-pungay pa ang kanyang mga mata dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga kandila sa paligid.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now