Chapter 38: Long Wait

1.1K 64 4
                                    

ILANG BESES na bumabalik sa aking isipan ang mga nakita ko kanina sa sakop ng Hephaesto Kingdom. Maraming puno ang unti-unti nang namamatay.

Ang ibang nilalang ay kinatatakutan nang lapitan ng ibang nilalang. Nagkaroon sila nang sakit na pwedeng makahawa sa iba. Lahat ng 'yun ay dahil sa paglaganap ng sumpa.

Yes! We all know that vampire is a powerful creature yet their body can easily be consumed by the curse prevalence that contains diseases.

Ang isang bampirang nakita ko kanina ay kaawa-awa ang lagay niya. His body was consumed by maggots. Buong katawan niya ay nagkaroon ng mga butas at nagsisilabasan dun ang malalaking mga maggots na kahit ako ay 'diko maisikmura ang nakakadiri nitong mga hitsura.

He's asking for help but no one dare to help him. Dahil takot ang lahat na mahawaan nang sakit na 'yun. Sinubukan ko siyang lapitan pero pinigilan ako ni Hailey at Jade.

Sa kanila ko nalaman kung anong pwedeng mangyari sa mga nilalang na nagnanais tumulong sa mga nahawaan na ng paglaganap ng sumpa na sinakyan ng matinding sakit. There's no cure for those diseases in their body. Ayon kay Jade, marami na ang nagkaroon ng ganung sakit na sakop sa kanilang kaharian simula nung namatay si Hiro. Ang ibang sakit naman ay kakaiba. Nagsusuka na nang dugo na halos mawalan na ng pag-asang mabuhay. And I felt guilt about it. Malaki ang epekto ng pagkamatay ni Hiro sa kahariang nasasakupan niya. May sabi-sabi ring nahawaan na ang ibang imperyo sa paglaganap ng sakit. At ang mas nakakatakot na mangyari ay kapag makuha na ng mga masasama ng tuluyan ang masamang katauhan ni Hiro. Tiyak na mas matindi ang sasapitin ng lahat.

Napabuga ako ng hangin at nasapo ko ang aking noo. Inaamin ko namang kasalanan ko ang lahat nang nangyari sa mundo nilang ito. Pero sa halip na sisihin ko ang aking sarili ay kumukulo ang dugo ko dahil kay Hiro dahil sa kanyang ginawa ngunit kahit na ganun ay inaamin kong nangungulila ako sa presensya't haplos niya.

Pabagsak akong umupo sa kama at inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan nang kuwarto na kulay puti ang tema. Masasabi kong simple lamang ang disenyo nito pero ang lawak. May mga poster rin na makikita sa paligid. Lahat ng poster na aking nakikita ay puro abstract realism.

Sa totoo lang, matapos kaming dalhin nina Jade at Welmer sa palasyo nilang ito ay balak nila sana kaming ipakilala sa kanilang amang Hari, pero nagkataong wala ito. Ayon sa mga tagasilbi pumunta raw ito sa Domoloir, which isa ring palasyo na sakop ng Ursua Zetharius Empire. Ang sadya nito ay wala siyang alam kung ano.

Nalaman kong wala nang ina ang mga mahaharlikang Zeurdous. Pumanaw na raw ito sa matagal nang panahong nakalipas. I feel pity for them as I feel pity upon myself.

Ang bagay na nakapagpanganga sa akin ng lubusan tungkol sa kanilang pamilya ay nang malaman kong labindalawa silang lahat na magkakapatid. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko tungkol sa kanilang pamilya. Siguro masaya kapag marami kayong pamilya. Namiss ko tuloy sina Snow, Eric, Abigail, Lola Carla, Tita Aireen, Miss Violet, at si ate Carlisle.

And actually, I was wondering, kung saan ang mga kapatid nila na 'di ko man lang nakita sa loob ng kanilang palasyo. Sa bagay, ang lawak ng palasyong 'to kumpara sa palasyo ng Vasemuelle Kingdom.

Dahil 'di nakita nina Jade ang amang Hari kanina ay nagpasya siyang ipagpahinga na lamang kami sa mga bakante nilang kuwarto. So now, I am here feeling uncomfortable by this room. Hindi ko alam kung welcome ba talaga kaming tumuloy muna dito hanggang 'di pa bumabalik ang mahal na Hari.

Napahiga na lamang ako sa dami nang aking iniisip sa malambot na kama.





Naalimpungatan ako sa malamig na hanging yumakap sa aking katawan. Dahan-dahan kong naibuka ang aking mga mata at maingat na napabangon sa kama. Pakiramdam ko, naka idlip lamang ako kaya nararamdaman ko parin ang aking antok.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now