Chapter 18: Bloodbath

1.3K 66 2
                                    

SIGURADO ka ba talaga na ito ang klaseng kukunin mo?” halata paring ‘di makapaniwala ang prinsipe habang hawak niya ang isang piraso ng rolled paper kung saan nandun ang aking schedule. Kagagaling lang namin sa Registrar Office at ngayon ay sinasamahan niya ako patungong combat  arena dahil ‘diko alam kung saan ‘yun matatagpuan.

Oo naman, bakit parang ‘di ka makapaniwala?” sa kaloob-looban ko ay natatawa na ako. This prince is very protective with princess Tomoki. Siguro dahil alam niya kung paano naghirap si Tomoki matapos ito iwan ng kanyang ina.

“Its quite obvious that I do. May sakit ka pa, ‘di mo alam kung gaano ka hirap mag training sa martial arts, combat, archery—” Pinutol ko ang nais sabihin niya.

“You don’t have to worry about me, Prince Kyohanne,” kita ko sa sulok ng aking mga mata na napakunot noo siya sa aking sinabi, “I chose this—because I want to learn how to protect myself from my enemy,” dahil sa aking sinabi ay napatigil siya sa paglalakad.

“Sounds not you,” ako naman ang natigilan. Masyado bang halata ang aking sinabi?

“Are you satisfied now?” natatawa kong tanong sa kanya, trying to hide the pressure inside me. Ayokong malaman nila ang aking sikreto, but as long as no one will reveal it, there’s nothing to worry about.

I heard him chuckled before he answered, “Anyway, I’m glad about your decision but still I’m worrying about you. Gusto ko lang sabihin sayo na hwag mong pilitin ang sarili mo kapag magsisimula ka na sa training niyo,” sinabi niya ‘yun ng sobrang seryoso.

Ako naman ay walang masabi sa kanya. I’m completely speechless.

Nandito na tayo,” napansin kong nasa may malaking double door na kami nakaharap, “Take care of yourself here, Princess Tomoki,” napalipat ang aking mga mata sa kanya, “Kung nagtataka ka kung bakit hanggang dito lang ako—”

Dahil may klase ka pa, tama ba ako?” natatawa kong tanong.

Napakati naman siya sa kanyang ulo. He’s cute when he act on that way.

“Your quite observant,” napangiti narin siya, “So, I’ll take my leave now.”

Dahan-dahan siyang tumalikod sa akin, “Take care of yourself too, Prince Kyohanne,” nakita kong napahinto siya sa aking sinabi pero ‘diko na siya pinagtuunan ng pansin pa. Agad kong binuksan ang double door na pintuan. At 'diko narin siya tinapunan ng huling tingin.


Pagkapasok ko ay napatingin ang lahat ng mga estudyanteng lalaki sa akin. What’s with them?

Pansin kong mabilang lang sa aking daliri ang mga babaeng estudyanteng meron dito. May nagtatakang napatingin sa akin. Siguro dahil ang werdo kong tingnan dahil sa belong suot ko pa rin simula nung kasama ko si Kyohanne.

Hindi ko naman pinansin ang kanilang mga mata. Tumungo lang ako sa may bakanteng upuan at umupong mag-isa doon.

Hindi pa dumating ang aming tagapagturo kaya hindi pa nagsisimula ang training.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now