Chapter 27: The Three-Eyed Butterfly

1.1K 65 2
                                    

BAGO PA MAN makalapit silang tatlo sa akin ay bigla nang lumitaw sa aking kamay ang aking katana. Mabilis na gumalaw ang aking katawan patayo ngunit ‘diko inasahan ang sobrang bilis na paggalaw ni Lacsy.

Lumapat sa aking dibdib ang napakalakas niyang sipa dahilan nang pagbulusok ng aking katawan sa katawan ng napakalaking puno.

“Ugh!” hiyaw ko nang maramdaman ko ang paghampas ng aking likuran.

“Ito pa!” habol ni Lacsy. Bumulusok muli ang kanyang sipa pero sa pagkakataong ito ay sa mukha ko na ang landing nito.

Umupo ako ka agad bago pa man mahagip ng kanyang paa ang aking mukha. Rinig ko ang pagtama nito sa katawan ng puno.

Nang sulyapan ko siya ay muli na naman siyang nagpakawala ng sipa pero hindi ko na siya hinayaan pa.

Bumwelo ako ng sobrang bilis at tinadyakan ang kanyang paang lumilipad papunta sa aking leeg.

Napaatras siya nang matangay siya sa impact ng aking sipa. Tiningnan niya naman ako ng masama.

Nang maramdaman ko ang sabay na pag-atake ni Loraine at Mara ay tumalon ako. Umikot at binigyan sila nang malalakas na tadyak sa kanilang dibdib.

“Ugh!” sabay ng dalawa habang napagulog-gulong sa may lupa.

“You really planned this, huh. Oh right, let me deal with it!” nanlilisik na ang nagningas kong mga mata.

Kapal ng mukha mo!” sigaw ni Lacsy sa akin ng harapan, Inabuso mo kaming pamilya mo—!”

“Alam mo!” pagpuputol ko sa kanya, Puro pamilya ang lumalabas sa mga bibig ninyo, bakit pamilya ba ang pagturing niyo sa akin noon? Hindi ‘diba!? Kaya hwag mong gawing dahilan ang salitangpamilya!’ Dahil kahit kelan hindi niyo ako tinuring na pamilya! Ni hindi niyo nga alam ang kahulugan ng salitang pamilya!”

“Porke’t ba prinsesa ka minamaltrato mo na kami ng ganito!” sabat naman ni Loraine.

Bakit!?” halos aabot na yata ang aking kilay sa aking noo, “Prinsesa naman ako kahit noon hindi ba!? At ano ang ginawa niyo? ‘Diba ako na isang prinsesa ang minamaltrato ninyo!?” mas lalo lamang kumukulo ang aking dugo sa kanila nang makita ko sa nakaraan ni Tomoki ang paghirap niya sa mga kamay ng mga hayop na ito. Hindi lang luha ang pumatak sa sahig sa pang abuso nila sa kanya. Dugo at pawis. Naranasan ng inosenteng prinsesa ito.

Ang pagsampal sa kanya na ‘di niya alam kong ano ang kamaliang kanyang ginawa para makatanggap ng ganun. Paghila sa kanyang buhok at sapilitang itulak sa loob ng kuwarto para ‘di pakainin at ikukulong roon. Pagsampal ng pagkain sa kanyang harapan habang namamaga ang kanyang mga matang ‘di maawat ang luha. All of it, kailangan nilang pagbayaran. At ako ang sisingil sa kanila!

Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang kapangyarihan ng isang prinsesa—!”

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now