Chapter 43: Saving the Vampiric Auras

1.2K 62 3
                                    

TUMALSIK ANG ilang butil ng dugo ni Hiro sa bulok na semento at walang takot kong tiningnan ang dulo ng aking katana na nakabaon malapit sa kanyang collar bone. Nanatili namang sinasangga ng kanyang samurai ang aking sandata. Kung ‘di niya lang nasangga ang aking pag-atake kanina ay tiyak nasaksak ko na siya sa kanyang bandang puso.

KIM!” sigaw ni Hailey.
‘Diko napansin ang mabilis na pagkilos ni Hiro. Hinayaan niyang bumaon ang aking katana sa kanyang collar bone at hinatak ng kanyang kamay ang aking leeg saka mariin akong sinakal.

Nagpupumiglas ako sa kanyang ginawa pero ‘di umubra ang aking lakas laban sa mahigpit niyang pagkakasakal.

Nakaangat narin ang aking katawan sa kawalan at pakiramdam ko ilang segundo nalang ang natitira para mabawi ko ang aking lakas. Nagsimula nang manlabo ang aking mga mata pero kahit na ganun ay na aaninag ko parin ang nanlilisik niyang mga mata at habang patagal ng patagal ay pahigpit ng pahigpit ang pagkahawak niya sa aking leeg.

I’m totally out of oxygen to breath and my eyes was about to shut but I just felt my body fell on the ground, chasing my breath.

Nadama ko pa ang mga likidong nagsitalsikan sa aking mukha. Naimulat ko ang aking mga mata habang hinahabol ang paghinga. At ‘diko inasahan ang sumalubong sa aking mga mata.

Nakatayo si Hiro, hawak ang dulo ng espada na nakatuhog sa kanya mula sa likuran. At nakatayo roon si Hideo na siyang may kagagawan sa bagay na ‘yun.

Kaya pala ako nabitawan nito, dahil sa ginawa niya.

Kahit natuhog na ang katawan ni Hiro ay walang emosyong makikita sa mukha nito. Parang wala siyang nararamdamang sakit sa kanyang sitwasyon.

Sa isang iglap lang ay narinig ko ang paghalakhak ni Pharsa, “You don’t know what kind of demon you are dealing with,” napalingon ako rito at nahagilap ng aking mga mata ang nakakabwesit niyang ngisi, “UNDEAD, ATTACK!” at sabay-sabay kaming sinugod ng libo-libong undead. Sinalubong naman ang mga ito ng mga kawal na bampira na aming mga kasamahan pero alam kong walang laban kami sa bilang nitong mga undead.

Nang muli akong tumingin kay Hiro hinugot na ni Hideo ang espada sa sikmura nitong naka usli. Pero ‘diko inasahan nang makita ko ang singbilis na paghilom ang malaking sugat nito sa liwanag.

Napaatras ako ng isang hakbang habang pinagmamasdan ko kung ano ang susunod na gawin ng demonyong ito.

Haharapin na sana nito si Hideo na nasa kanyang likuran pero sa gitna ng nagsasagupaang mga bampira at milyun-milyong undead ay narinig ko ang sigaw ni Hiroshi sa aking likuran.

“Hiro brother!” napalingon sa kanyang gawi si Hiro. Pati ako ay napalingon narin sa kanya, kahit pala ang mga kapatid niyang narito sina Hailey ay nasa kanya ang mga mata.

Malawak na ngumiti si Hiroshi na ‘di man lang natablan ng napakalamig na presensya ni Hiro, “You’re no longer the brother that we have before. So, we decided to eliminate you!” nagulat ako sa napansin, sina Brittany at Jade na tutol sa bagay na ‘yun ay ‘di kumibo. Isa sila sa ayaw na ipapatay si Hiro pag naging demonyo na ito, but now it looks like the tables turn into an opposite direction.

Humihingi ng kasagutan ang aking mga matang napatitig kay Brittany na ngayon ay wala nang mababakas na emosyon sa mukha. The Zeurdous blood completely ruled themselves. Pati si Aaron na pabiro ay sobrang seryoso na.

“Because the 1000 year demon won’t praise anything that he don’t recognize. We are all included. We are not an exception,” sinagot ako ni Brittany na ‘di man lang tinapunan ng tingin.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now