Chapter 34: God of Illusion

1.2K 55 0
                                    

BUMANGON KA agad si Zeref mula sa pagkakabagsak. Kahit masakit ang kanyang brasong tumama sa matulis na bato na dumudugo ay ‘di niya ito pinansin.

Mabilis siyang nag-anyong lobo at tinakbo ang kinaroroonan ni Kim.

Sobrang bilis ng kanyang mga hakbang na halos sabayan na niya sa pagtalon. Sinuot niya ang isang parte ng gubat na may napakaraming tinik at matutulis na bato. Medyo napangiwi pa siya sa kaloob-looban niya nang may bumaong tinik sa kanyang isang paa. Saglit siyang huminto, nag-anyong tao at binunot ang nakabaong tinik. Muli na namang nag-anyong lobo.

Nang makita niya ang tumatakbong Diyos ng Eksplosyon na tumatakbo rin ay huminto siya. Napalibot sandali ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kagubatan, naghahanap kung saang banda ng gubat niya susugurin ang Diyos.

Nang may makita siyang isang mataas na mga punong nagdidikit-dikit ay agad siyang tumalon rito. Inakyat niya ito hanggang sa mapadpad siya sa pinakadulong parte nito.

Kitang-kita niya si Kim at Hailey na paalis na sa kinaroroonan ang mga ito. Ngunit bago pa man ang mga ito makaalis ay sinugod na ang mga ito ni Zaphro.

Hindi pa man nakalapit si Zaphro sa dalawang dalaga ay tinalunan na ito ni Zeref.

Natumba si Zaphro nang tumama nang malakas ang isang malaking lobo sa kanyang likuran.

Napagulung-gulong silang dalawa sa may lupa. ‘Di pa man nakatayo si Zaphro ay nakadagan na sa kanya ang napakabangis na lobo.

Sinusubukan siya nitong lapain gamit ang matutulis nitong mga pangil na sinasamahan pa ng kalmot.

Halos bumaon narin siya sa hinihigaang lupa dahil sa lakas nito. Nagkasugat na ang kanyang dibdib dahil bumaon na ang ilang kuko nito.

Nagpupumiglas si Zaphro pero ‘di parin sapat ang kanyang lakas na tapatan ang napakalakas na Alpha.

Bago tuluyang bumigay ang nanghihina niyang katawan ay may bigla nang sumabog na napakalakas na puwersa sa pagitan nilang dalawa na nagpatalsik sa napakalaking lobo.

Hinahabol ni Zaphro ang kanyang paghinga at tiningnan ng masama si Zeref na bumagsak sa may lupa.

Naka anyong tao na si Zeref. ‘Di na nito maigalaw ang katawan kahit ang kanyang daliri ay ‘di niya mapilit na igalaw. Tila nahigop lahat ng kanyang lakas at nawalan ng pandinig sa pagsabog na ginawa ni Zaphro.

Nakamulat lang ang kanyang mga mata sa kawalan. May tumulong dugo na sa ilong at tainga nito.

Sa pagkakataong ito ay alam niyang wala na siyang laban. Alam niya rin na sa mga oras na ‘to ay posibleng susunduin na siya ng kanyang kamatayan. Pero kahit na ganun ay wala siyang nararamdamang takot para dito.

Ngumiti pa siya sa kawalan nang mahagip sa sulok ng kanyang mga mata ang mga paa ni Zaphro na huminto sa kanyang tabi.

“Ang mga paki alamero ay dapat na mabura sa mundong ito. At dahil isa ka dun, Evan. Buburahin na kita!”

Sumabog ang lupang kinahihigaan ng Alpha. Ngunit nagulat ang huli nang makitang walang gutay-gutay na katawan ng lobo rito.

Napamura na lamang siya nang makita ang isang nilalang na may pakpak paniki na lumilipad. Tangay ang katawan ng Alpha na wala nang malay, si Thania. Ang Yin Guardian ng Diyosa ng Imortal.

Napakimkim siya sa kanyang mga palad dahil sa inis habang pinapanood ang paglayo ng mga ito.




Magkasabay na tumalon sina Hailey at Kim habang iniiwasan ang mga humahabol sa kanilang mga parasite. Parang mga lamok ito na hinaluan ng hugis ng bubuyog.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now