Chapter 25: Question(s)

1.2K 59 0
                                    

LUMIPAS ANG mga araw ay napansin ko ang pagiging mailap ng mga ahas sa mansyon sa akin. Pero kahit na ganun ay ramdam kong gusto na nila akong patayin. Nakikita ko ‘yun sa mga mata nila.

Kasalukuyan akong nagbuburda ng paru-paro sa isang tela. Ge Chen taught me how to become a beginner embroider in these passed few days. Hindi naman pala mahirap kong pagtuunan mo talaga ng pansin ang pagbuburda.

Narinig ko ang biglang pagbukas ng pintuan. Kahit na ‘diko na ito tingnan ay alam kong si Ge Chen ito.

“Mahal na prinsesa,” tumigil ako saglit sa aking ginagawa at tiningnan si Ge Chen, Bumalik na po ang Dowager sa palasyo. ‘Yan ang mga balitang naririnig ko sa pamilihan.” Tomoki’s grandmother!

Kelan pa siya nakabalik?”

Kanina lang nang madaling araw.”

Napaisip naman ako. Sa aking nakikita sa mga ala-ala ni Tomoki ay ni imahe nito ay wala siyang alam o wala siyang ideya. Kaya naman hindi muna ako makikiusisa sa buhay ng dowager na 'yan.

Muli akong nagpatuloy sa aking ginagawa, “Hindi niyo po ba siya bibisitahin?”

Saglit akong natigilan sa kanyang tanong, “I don’t have time for her.”

“Pero ilang araw na po kayong nagkukulong sa inyong kuwarto at ‘di na kayo pumapasok sa Hasseium. Besides she's your grandmother?”

Tama siya. And its been one week passed.

Matapos mapasakamay ko ang mahiwagang perlas na ibinigay ng emperatris ay ‘di na ako bumalik sa Hasseium. Dahil ang totoo, ay sinusubukan ko ang taglay ng mahiwagang perlas na gamitin para makita ko ang nakaraan kung bakit namatay ang prinsesang si Felicity ngunit nabigo ako. Sa loob ng isang linggo ay wala akong napala. Still I’m desperate to know the princess’ death.

Para kapag matapos ko na ang kontrata kay Tomoki ay wala na akong ibang po-problemahin pa kundi ang problema ko bilang namatayan ng kaparehas.

Sigurado akong nag-alala na ang prinsipe dahil ‘di na niya kayo nakita. Baka iisipin nun na muli kayong nagkasakit?”

Hindi ko na siya pinakinggan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa may sahig at pinagpagan ang aking damit.

Maghanda ka. Susugurin natin si Therese.”

Namilog naman ang kanyang mga mata sa aking sinabi, “Po? Sigurado ba kayo?” halatang ‘di siya makapaniwala.

“Confidently sure,” tinungo ko na ka agad ang pintuan at tuluyang lumabas.

Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Ge Chen sa akin habang patungo ako sa may rest hut na nasa likuran ng mansyon.

Actually, nakalimutan kong banggitin na may rest hut ang mansyong ito na nakatabi sa isang lawa. Madalas tumatambay roon si Therese. Alam ko namang dun siya nagpapahangin. Sa madaling salita, dun siya nag-iisip ng planong gagawin laban sa akin.

Nasalubong ko si Cynthia na kalmado ang mukha nang papalabas na ako sa may pintuan. Saglit siyang napahinto nang mapansin ako. Kita ko ang biglang pagngiti sa akin.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now