Chapter 55: He's Back!

1.5K 71 8
                                    

MABILIS NA tumayo si Eleanor at nagpakawala ng sunud-sunod na bolang apoy at inatake si Hiro nang maka summon ito ng espada.

Tinapik-tapik lamang ng huli ang kanyang mga atake pero nang mag Elemental Form siya ng apoy ay napalayo si Hiro.

Malalim ang ginawang paghinga ni Eleanor at nang makakuha ng pagkakataong umatake muli ay sinunggaban niya si Hiro. Sa halip na ito ang tumilapon ay sinalo lamang siya at ibinalibag sa kawalan.

Paglingon ni Hiro sa isang direksyon ay naroon si Leilah, nilalaro ang mga tubig na pinalulutang niya sa ere. Hindi pa man nakakilos si Hiro ay lumipad na nang sunud-sunod ang mga tubig ni Leilah na naghugis patalim. Umiilag si Hiro ngunit sinusundan siya ng mga bagay na ipinapamalas ni Leilah.

Pag-ilag niya muli ay timing namang tumayo si Hermoine sa tabi ni Kim. Mabilis itong naglabas ng napakatalim na bumerang na gawa sa hangin at inihagis kay Hiro.

‘Di ‘yun napansin ng huli kaya nahagip ng bumerang ang kanyang tagiliran dahilan kaya sumiklab ang galit nito at walang pag-aalinlangang nag summon ito ng itim na sibat na gawa sa itim na yelo.

“Watch out!” napasigaw si Hailey nang lumipad ang itim na sibat sa kinaroroonan ni Hermoine. Bago pa man matamaan ang huli ay tumalon ito pagulung-gulong sa lupa pero ‘di dun nagtapos nang sundan siya ni Hiro.

Mabilis namang kumilos si Eleiah at hinarang si Hiro. Tinadyakan niya ito dahilan kaya ito napaatras. Mas tumalim ang titig ni Hiro at nakaramdam ng kilabot si Eleiah nang ngumisi ito sa harapan niya mismo.

“HINDI!” napasigaw na lamang siya ng mapunta ito sa tabi ng bangkay ni Kim. Tatakbo sana siya para sugurin ito ngunit nakita niyang may mga itim na yelo na ang nakabalot sa kanyang mga paa dahilan kaya ‘di siya makaalis sa pwesto, ganun rin ang kasamahan niyang mga itinakda pati si Ina at Hailey.

Sinubukan niyang magpakawala ng liwanag upang masilaw ito ngunit may nabuo nang ice barrier papalibot kay Hiro.

KIM!” Si Eleanor sabay pakawala ng mga apoy na palaso patungo sa gawi ni Hiro ngunit ‘di man lang nagkaroon ng lamat ang barrier nito.

Kahit si Ina na sinusubukang wasakin ang barrier ay ‘di niya magawa, “Its win or lose,” nasambit nito nang makita niyang binuhat na ni Hiro ang katawan ni Kim Dwight. Sabik sa dugo si Hiro sa kanyang kapareha dahil sa ilang taon niyang pagtulog na ‘di umiinom. At isa lang ang ibig sabihin nun, uubusin niya ang dugo ni Kim na mas magbibigay sa kanya ng lakas na pagharian ang Vampiric Auras.

Sa pagbaon ng pangil nito sa leeg ni Kim ay ang siya namang pagtukod ng baston ni Ina sa lupa. Sa kanyang ginawa ay bumukas ang napakaitim na lagusan na nasa loob ng barrier ni Hiro. Nagsilabasan rito ang mga nilalang na mga itim na usok na naghuhugis tao, ang mga morning shadow. (Referring to Chapter 13).

Napangiti si Ina nang sunud-sunod na sumanib ang mga ito sa katawan ni Kim na ‘di napansin ni Hiro dahil nahehele ito sa lasa ng dugo ni Kim Dwight.

Ang mga morning shadow na humuli kay Kim sa paglalakbay nito noon ay isa sa paraang mabuhay siya, at ang tinutukoy ng mga ito noon na siya ang reyna ng mga ito dahil kamukha niya ang Diyosa ng Bangungot ng lahat.

Sa pagsanib ng lahat ng morning shadow sa katawan ni Kim Dwight ay ang paglamig lalo ng temperatura. Ang lahat ng naroon na nakikipaglaban ay napahinto muli at napatingin na lamang sa kinaroroonan ni Hiro.

“She’s awakened by the morning shadows, her pawns,” si Ina at ang kanyang sinabi ay ‘di nakaligtas sa pandinig ng apat na itinakda.

Bumabagwis ang mga pakpak ni Hiro sa kawalan habang unti-unting lumutang sa ere at lingid sa kanyang kaalaman na ang babaeng kinakagat niya ay unti-unti nang nagkaroon ng malay.

Curse Resurrection (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon