Chapter 30: End of the Contract

1.2K 67 2
                                    

‘Knowing the truth is so much painful than we thought’

SEEMS LIKE everything I know were just a nightmare. Hindi ko maisip na ang ama ni Tomoki ay ang mahal na hari.

I know it was insist to hear. Kapatid ng hari ang kanyang kapareha. Its absurd, right?

Kahit ako ay ‘di maisip ang bagay na ‘yun. Pero ano nga ba ang magagawa ko kung husgaan ko ang bagay na itinadhana sa kanila?

Alam kong gaano nasaktan ngayon si Tomoki sa nalaman niya. Knowing the truth is so much painful than we thought. Kahit si Ge Chen ay narinig niya ang sinabi ng kamahalan, even she, was completely shock after hearing those words.

Ibinagsak ko na lamang ang aking katawan sa aking kama pagkarating ko sa aking kuwarto. Ramdam ko ang pagod ng aking katawan. Para kong pinasan ang buong sinukob dahil sa mga nalaman.

Narinig ko ang iyak ni Tomoki sa aking isipan. She’s fragile right now. Ang tanging kailangan niya sa ngayon ay ang comfort lamang para mabawasan ang nararamdaman niyang sakit.

Nakikita kong kino-comfort siya ng mga kasamahan kong itinakda. Kinausap siya ng mga ito kung ano ang problema. Isinalaysay naman niya ang mga nalaman niya habang walang tigil ang kanyang pag-iyak.




Kinaumagahan ay ‘di maipinta ang mukha ni Lacsy at Loraine nang bigla silang hulihin ng mga kawal na sumulpot na lamang sa loob ng mansyon.

“Third sister, what’s the  meaning of this!?” nagpupumiglas na sabi ni Loraine. Kahit sina Cynthia ay nagtatanong ang mga matang nakatitig sa akin.

“Behave yourself. Walang mangyayaring masama sa inyo kapag ‘di kayo magpapasaway,” napahinto si Loraine sa pagpupumiglas ganun narin si Lacsy na tiningnan lang ako ng masama, “Don’t give me that stares. Kung ayaw mong dudukutin ko ‘yang mga mata mo!” taas noo kong sabi. Agad naman itong napaiwas.

“Ano bang meron, mahal na prinsesa?” si Natalie na naaawang nakatingin sa kanyang mga kapatid. Naalala kong walang kapatid si Tomoki ni isa sa mga ito.

“Hahatulan si Therese sa pagpatay niya sa aking ina. At ngayon ang itinakdang araw na ‘yun.”

“Ano!?” namilog ang mga mata ni Loraine habang naiiyak na, even her sister Lacsy ay parang nabuhusan ng isang balde ng yelo.

Matapos dakpin sina Loraine at Lacsy ay ipinauna na ito sa palasyo. Bakit kailangan silang dakpin? Dahil kinakailangan upang mapaamin si Therese.

Kasalukuyan naman kaming nasa loob ng umaandar na karwahe. Kasama ko si Ge Chen at Haru. Samantalang, nakasunod naman ang karwaheng sinasakyan nina Cynthia sa amin. Kasama nito ang dalawa niyang anak saka si Mara at Dominic.

“May masamang mangyayari, Ge Chen. Nararamdaman ko ito,” hindi ako mapakali habang iniisip ang posibleng mangyari—kung sino nga ba ang punong may sala sa pagkamatay ng prinsesa.

“Hindi rin maganda ang kutob ko, mahal na prinsesa,” pagsang-ayon rin nito. Samantalang, kumukurap-kurap lamang ang mga mata ni Haru sa amin.

Bakit ganito? Para bang may isang sakunang magdadala ng malaking pinsala na mangyayari mamaya.

Napasinghap na lamang ako ng hangin at iniwaksi ang isip na ‘yun.

Paghinto ng karwahe ay agad na kaming tumungo sa courtyard. Maraming kawal ang nakabantay sa paligid na para bang pinaghahandaan na talaga nila ang pangyayaring ito, as expected from the King. Pero kahit na ganun ay ‘di parin matanggap ng aking isipan ang katotohanan na anak si Tomoki ng kamahalan.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now