Chapter 39: Move On

1.1K 58 0
                                    

HINDI KO siya binitawan sa pamamagitan ng mahigpit na yakap na aking ibinigay sa kanya. Isinubsob ko ng maiigi ang aking mukha sa kanyang balikat. Kahit na nabasa na ng aking mga luha ang kanyang damit. Mahigpit rin ang yakap na kanyang ibinibigay pabalik.

“W—why you—!” gustung-gusto ko siyang hampasin pero hindi ko kayang gawin.

Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko galing sa aking mga mata na animo’y kailan ma’y hindi na hihinto pa. I tried to speak para sabihin sa kanya ang lahat ng hinanakit ko pero ‘diko man lang magawa. Walang lumalabas sa aking bibig ni isang salita kundi tanging paghikbi ko lamang.

Shhh… its okay. I’m here,” naramdaman kong hinagod niya ang aking likuran na mas lalo lamang nagpaiyak sa akin.

Sa ilang taong lumipas, nagluksa ako sa pagkawala niya but now he’s in front of me, completely fine. Pinagloloko lang ba ako ng lahat?!

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi parin ako tumahan sa pag-iyak.

“Stop pretending, your making her crazy!” awtomatiko akong napabitaw sa aking niyayakap at nilingon ang pinanggalingan ng boses.

Sa pagkakita ko kung sino ito ay para akong binuhusan ng isang balde ng yelong may tubig. ‘Di ako makaimik at tuluyan akong napahinto sa pag-iyak, tila nag malfunction lahat ng sistema ko sa katawan sa aking nakikita. Dalawang Hiro ang nasa aking harapan ngayon. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Para lang akong baliw kanina na umiiyak at ngayon para na naman akong tangang ‘di makapaniwala na palipat-lipat ang mga mata sa dalawang binatang may mukha ni Hiro.

Dahil siguro sa late reaction ng aking sistema ay saka ko lang naramdaman ang pagsiklab ng galit sa aking dibdib. I clenched my first as I fixed my gaze to this man that I embraced earlier for expecting that he is Hiro.

My fist landed on his cheekbone that made some trace of my punch on it. Napangiwi siya sa sakit dahil sa aking ginawa. Bahagya pang nabaling sa kabilang direksyon ang kanyang mukha. That punch serves him! Ginawa niya akong tanga kanina!?

“Yan ang napala mo sa pang-uuto mo sa kapareha ng ating patay na kakambal,” nabaling ang aking tingin sa isang kamukha ni Hiro. Bakit ngayon ko lang nalaman na triplets pala silang Hiro?!

“Damn!” inis na turan ng sinuntok ko. God! How dare him to play such thing like that!?

Mas lalo lamang akong nainis sa kanya kung paano ako nagmumukhang tanga sa pinaggagawa ko kanina.

“I’m sorry for the unpleasant behavior that my brother did to you,” pagpaumanhin nitong nasa harapan ko. Sa kanilang dalawa mukhang ito ang pinakamatino kung kausapin kahit sobrang seryoso ang mukha nito. Pero hindi pa rin mabura sa aking isipan na naging baliw ako sa harapan nilang dalawa. Try to think of it, nadala ako sa pangungulila ko sa kapatid nila!

“Well, let me formally introduce myself to a living doll like you,” aaminin kong naramdaman ko ang naramdaman ko kay Hiro noong panahong nagpakilala ito sa akin noon. It feels like a déjà vu. Same features, same voice…

Para akong maiyak na naman dahil sa pamamaraan ng pagtitig niya sa akin. Parehong-pareho sila ni Hiro!

Nabalik ako sa aking katinuan nang hawakan nito ang aking kamay, bahagya siyang nakaluhod sa aking harapan. Without uttering any single word, his lips landed at the back of my palm that made my heart flutter in seconds.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now