Chapter 13: Morning Shadow

1.5K 66 1
                                    

KINAKABAHAN akong pababa sa may hagdanan kahit kasama ko si Ge Chen, dahil ang totoo niyan ay ipapasabay kami sa mahal na hari sa pag-aagahan nila, kasama ang buo niyang pamilya.

Kung tutuusin ay ‘diko pa sila kilala, kahit pangalan lamang nila ay wala akong alam, lalo na sa prinsipeng tumulong sa akin kahapon.

Napabuga na lamang ako ng hangin. Ngayon lang yata ako na stress sa pag-iisip sa mga bampirang pansamantalang kukupkop sa akin. Haist

Nasa may bulwagan na kami nang bigla ko na lamang nakasalubong ang mahal na reyna ng Vueston kasama ang alalay nito. Para naman akong nataranta nang makita siyang saglit na napahinto nang makita niya ako. Binigyan niya lamang ako ng malamig na titig. Sa tingin ko, ‘di maganda ang kanyang loob kay Tomoki.

Ako naman ay tila na balik sa katinuan nang mapagtanto kong, I must trust no one, except for myself, even this Queen in front of me.

Magandang umaga, mahal na reyna,” I bowed my head in front of her. Iniwas lamang nito ang kanyang mga mata sa akin na animo’y isa lamang akong hangin sa kanyang paningin. Hmmm… Seems like my intuition is right.

Napasulyap na lamang kami ni Ge Chen sa likuran nito nang tuluyan kami nitong lagpasan. Medyo napa arko pa ang aking kilay nang patago dahil sa aking nalamang bagay.

Mukhang wala yata sa kanyang mood ang mahal na reyna,” mahina kong sabi na ‘di nakaligtas sa pandinig ni Ge Chen.

“Mahal na prinsesa baka may makarinig sa’yo!” tugon nito.

Hayaan mo problema na nila ‘yun,” mukhang ‘di na dapat pa akong kabahan na makaharap ang pamilya ng mahal na hari. I have met their Queen-bitch-like already. Sana naman ‘di rin patago ang galit ng hari at ang buong pamilya nito sa akin. Malay ko bang pinapaikot lamang ako ng mga ito?

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad, dumaan na kami sa kabilang pintuan na napansin kong  mahaba rin  ang aming ginawang paglakad, Watashi tachi wa mada dainingu hōru kara tōi desu ka,” (Are we still far from the  dining hall?), ‘diko mapigilang magtanong kay Ge Chen.

Hwag po kayong mag-alala malapit na po tayo, mahal na prinsesa,” tugon naman nito.

Bakit  kasi ‘di nalang namin gamitin ang aming taglay na bilis? Ito naman kasing si Ge Chen, para daw mas makilatis at ma-memorya namin ang bawat sulok, anggulo, at ang pasikot-sikot dito sa loob ng palasyo. Haist...

Dahil medyo na-bo-bore na ako ay mabilis pa sa galaw ng kamay ng orasan ay nasa may entrada na ako sa may dining hall, “Mahal na prinsesa!” may pag-alalang sigaw ni Ge Chen sa akin—but I didn’t mind her.

Nang inikot ko ang aking mga mata ay nahagip nito ang rebulto ng mahal na hari at prinsipe na nagtatawanan sa may hapag-kainan. What a wonderful wiew for a father and son like them?

Naisipan kong ‘di muna ako gagalaw sa aking kinatatayuan hanggang ‘di pa susulpot si Ge Chen.

Busy ang mga taga pag silbi sa pag-aasikaso sa pagkain ng mahal na hari kaya pati ang mga ito ay ‘di ako napapansin.

Curse Resurrection (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora