2

5.3K 169 19
                                    

J

Unang araw pa nga lang namin ni Deanna na mag asawa, di na agad kami magkasundo sa isang bagay.

Ang gusto ko lang naman bumukod kami, yun naman ang dapat pag mag asawa na.

Hindi naman sa ayoko tumira sa parents niya. Kaso kasi kung dun kami titira, pano kami matututo ni Deanna?

Pano namin mas lalong makikilala ang isa't isa? Ayoko kasi ng ganon yung naka asa kami, kaya naman namin.

Kaya ko naman kung yung gastos ang iniisip niya. Gusto ko maging independent kaming dalawa bilang mag asawa.

Mamaya masanay lang si Deanna na nakaasa sa mga magulang niya kahit may mga anak na kami. Yeah, mga anak. I want a big family, kaya ngayon pa lang gusto ko matuto na kaming dalawa.

Wala akong pakialam kung mag away ng mag away pa kaming dalawa pag kami na lang sa iisang bahay, ang mahalaga matuto kaming dalawa na ayusin yun at intindihin ang isa't isa.

Di kami nagpakasal dahil yun ang convenient o dahil lang sayang ang pinagsamahan namin, kundi dahil mahal namin ang isa't isa, kaya dapat dito palang mapatunayan na namin yun.

Hindi ko na siya masyadong kinausap kanina dahil medyo naiinis nga ako.

"Baby, galit ka ba sakin? Di mo na ko kinausap kanina hanggang ngayon ang tahimik mo." tanong agad ni Deanna pag pasok namin sa kwarto.

Nakabalik na kami dito sa hotel room namin. Umupo agad sa kama si Deanna.

"Palit ka na.. Nag aantay sila Maddie satin sa lobby."

Papasok na sana ako ng bathroom para magpalit din pero hinawakan ni Deanna ang kamay ko.

"Baby, alam ko naiinis ka sakin.. Sorry na, baby ohhh.."

"Sige na, baby.. Palit ka na, okay na yun."

"Usap muna tayo saglit oh, unang araw natin to, tapos ganito agad.. Ayusin muna natin please.."

Haaaay... Ano pa nga ba ang magagawa ko.

Umupo na ako sa tabi niya. Humarap siya sakin at hinawakan ang kamay ko..

"Jema, sorry na ohhh.. Iniisip ko lang naman kasi yung matitipid natin kung kina mommy muna tayo titira eh.. Nag iipon pa ko, baby.. I want to give you the best house, yung tayong dalawa mismo yung magpaplano, para sa future family natin. Ayoko naman ng basta basta lang, ano pa at naging engineer ako, tapos di ko mabibigyan ng magandang bahay ang pamilya ko."

Mahinahon ang pag papaliwanag ni Deanna. Nakikita ko sa mga mata niya na ang kagustuhang maipaintindi sakin ng maayos ang punto niya.

"I understand, baby. I got your point. Sorry din, baby.. Ang sakin naman, gusto ko sana ngayon palang matuto at masanay na tayong tumayo sa sarili natin. Baby, kung yung gastos ang iniisip mo, kaya ko naman. Pagtulungan natin, ganon naman pag mag asawa di ba, nagtutulungan." hinawakan ko pa ang pisngi niya.

"I love you, Jema.. Kung yan ang gusto ng asawa ko, sige, papayag na ako. Pag tulungan na lang natin lahat. Can you help me pack my things, wifey? So, I can move in to your condo. Bati na tayo, baby ko ah?" ngumiti na si Deanna.

Ngumiti na din ako sa kanya..

"Of course, I'll help you, baby.. I love you, baby.. Thank you.. Bati na tayo. Saka mo na ko awayin ah? Pag nakauwi na tayo.. Hehe.."

"Uy, baby.. Di naman kita inaway."

"Sige na nga, hindi na. Magpalit na tayo at baka sila Maddie ang magalit satin sa tagal hehe.."

"Okay, wife! Bihisan na kita.. Hihihi.."

"Loko.. Magpalit ka na dyan, sa bathroom na ko magpapalit." tumayo na ko pero hinila niya ako sa kamay.

"Ha? Dito ka na magbihis. Asawa mo naman ako. Sakin ka pa mahihiya? Nakita ko na lahat yan hehe.."

"Manyak mo talaga.. Maghihilamos din ako saglit. Sige na, Deanna. Tumatagal tayo lalo."

"Okay, okay.. Hirap naman manalo sa asawa ko.. Pero okay lang love naman kita eh hihi.."

"Sinasaniban ka na naman, baby.. Palit ka na dyan.."

Pumasok na ako sa bathroom dala ang damit ko.

Naghilamos at palit lang ako saglit. Lumabas na agad ako ng bathroom.

Nag suot ako ng 2-piece pero syempre nagsuot muna ako ng board shorts..

"Wow, ang sexy naman ng wifey ko!"

Si Deanna naka board shorts at rash guard.

"Ako pa ba! Let's go asawa ko.."

Kumapit na ako sa braso niya at saka kami lumabas ng kwarto..

Locked AwayWhere stories live. Discover now