17

3.7K 153 29
                                    

J

"Ate, tara na.. Okay na yung pagkain, lunch na tayo." tawag sakin ni Mafe mula sa dining area.

Nakaupo ako dito sa couch. Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Deanna, unattended pa din yung phone niya. Nag aalala na ko.

Kahapon yung last day ng convention nila. Alam ko ngayon yung tour nila, pero kaninang umaga ko pa siya tinatawagan pero di ko siya macontact.

"Sige na, Mafe.. Mauna ka na, susunod ako.."

Si Mafe lang ang kasama ko dito, hindi na tumuloy si mama. Nagkasakit kasi si papa eh.

"Hay naku, ate. Tama na yan, kanina ka pa sa phone mo.."

"Si Deanna kasi di ko macontact, nag aalala ako."

"Okay lang yun si ate Deanna. Baka tulog pa."

"Tanghali na kaya.."

"Mamaya tatawag din sayo yun. Kumain na muna tayo. Bawal ka malipasan, ate."

Tatayo na sana ako pero biglang nag ring ang phone ko.. Si Deanna!

"Hello, baby! Kanina pa kita tinatawagan." sagot ko agad. Miss na miss ko na siya sobra!

"I miss you, wifey!"

"Miss na miss na miss na din kita, baby!"

"Okay, baby ko.. Open the door please." ha? Ano daw?

"Anong open the door?"

"Just open the door, baby, please.. Ang bigat ng mga dala ko.."

What??? Teka nga.. Nasaan ba to si Deanna?

Napatayo na ko at napatingin sa pinto..

"Baby, don't tell me---"

"I will tell you, wifey hehe.. Open the door na, baby kooo.. I have your pasalubong na dito.."

Mabilis akong lumakad papunta sa pinto..

"Ate, saan ka pupunta? Dahan dahan..." di ko pinansin si Mafe.

Dali dali kong binuksan ang pinto..

"I'm home, wifey! Surprise!" Si Deanna! Ang dami niyang dala dala..

"Oh my god, baby! You're here na!" mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Yes, baby ko! I'm here na! Miss na miss na kita eh.. At gutom na din ako, baby.." bumitiw na ko sa pagkakayakap sa kanya at saka kami pumasok sa loob.

"Ate Deanna!!! Bilis mo makauwi ah? Kala ko ba 2 days ka pa dun?" naku tong si Mafe tanong agad.

"Namiss ko na ate Jema mo eh.. Di na ko sumama sa tour."

"Sayang naman yun ate Deanna.. Nandun ka na eh."

"Balik na lang ako kasama ate mo at si baby pag labas hehe."

"Sama ako, ate Deanna ah?" aba aba tong si Mafe sasabit pa samin.

"Tama na yang interview, Mafe.. Maghain ka na.. Gutom na ate Deanna mo. Baby, upo na tayo dun."

"Mukhang masarap ang pagkain ah, sakto gutom na gutom na ko. Ang aga ng flight ko kanina eh." halata ngang gutom na gutom na si Deanna.

"Baby kanina pa kita tinatawagan di kita macontact."

"Sorry, baby.. Di kasi ako nakapag charge ng phone kaya inoff ko muna. Para pagdating ko matatawagan kita."

"Okay lang. Mahalaga nandito ka na.. Namiss kita sobra!"

Locked AwayWhere stories live. Discover now