51

3.5K 137 8
                                    

D

"Look, baby.. Di na namamaga yung braso mo. Buti na lang sprain lang. Di na need ng bandage to.. Pero keep the arm sling para di masyado mapwersa.."

Tinanggal na ni Jema yung bandage na nakabalot sa braso ko. Pinalitan niya din yung arm sling ko.

Buti na lang sprain lang yung sa braso ko pero di kasi minor sprain lang kaya kinailangan na lagyan ng heavy bandage at para di ko din mapwersa.

Di na kami bumalik sa ospital. Dito na sa bahay ginamot ni Jema yung braso ko. Ayoko na kasi bumalik dun saka kaya naman niya kahit dito lang sa bahay, eto naman ang expertise niya.

Dahil sa injury na to napilitan akong mag leave muna sa trabaho. Wala akong choice, ayaw ako paalisin ni Jema. Kinausap ko si Kim, siya din kinausap si Kim..

Nag paalam din ako kay Bea at naiintidihan naman niya, sinabihan niya ko na bumalik na lang ako pag fit to work na talaga ako.

Wala akong magawa kahit ayoko sanang iwan yung trabaho. Di ko din kaya, nilagnat din ako ng ilang araw dahil sa pamamaga ng braso ko. Tatlong araw din akong halos nakahiga lang sa kwarto.

"Thank you, wife.. Ang galing talaga ng doctor ko. Pwedeng pwede na kong mag work ulit."

"Not anytime soon, baby.. Need mo pa ipahinga yan. Wag mo muna pwersahin. Saka ayaw mo bang kasama pa kami ng anak mo?" ang cute naman nito ni Jema, naglalambing pa.

"Ay ang asawa ko naglalambing.. Syempre gusto ko pa kayong kasama.. Pero alam mo naman na may work pa kong kailangang tapusin di ba.."

"I know, baby. Don't worry, in a week, good to go na yang braso mo. Sa ngayon, dito ka muna samin ng anak mo. Kami bahala sayo.. Sige na pahinga ka na. Kailangan ko ng pumasok."

Tumayo na siya sa pagkakaupo dito sa couch sa sala.

"Hay, wala akong katabi matulog, baby.."

Pang gabi ang shift ni Jema ngayon sa ospital. Ilang araw na ding ganito ang shift niya..

"Pag gising mo, katabi mo na ko, baby.." hinawakan niya ko sa pisngi at hinalikan ng mabilis sa labi.

Hinatid ko na siya papasok sa kotse niya..

"Drive safe, wife... I love you."

"I love you too din po. Ingat kayo ni Jei jei dito. Uuwi agad ako."

Pagkaalis niya nag stay muna ako sa may garden sa likod. Di naman ako agad makakatulog. Si mama at Jei jei tulog na sa taas.

I called Bea.. Sana gising pa siya..

"Hey, dude! What's up? Okay ka na ba?" I put her on loudspeaker.

"Okay naman na.. Kamusta dyan?"

"Well, everything is good. Basta magpagaling ka dyan."

"Pwede na siguro ako bumalik in 2 to 3 days okay naman na yung braso ko."

"Alam ba ni Jema yan? Kinamusta kita sa kanya eh. Sabi niya mga 1 week pa daw."

"Okay na ko, dude.. Kausapin ko na lang siya. Nakakabored dito sa bahay, 1 week na ngang extended yung stay ko dito tapos another week pa ulit."

"Eh ikaw bahala, Deans. Basta magpaalam ka kay Jema ah, tapos update mo ko. I'll book your flight. Besides, pwede naman na siguro dito yung follow up check up mo may mga ospital din dito."

"Exactly! Ang talino mo talaga, Bea! Haha... Sige yan ang sasabihin ko kay Jema. Saka di ako sanay ng walang ginagawa. Lagi din namang wala si Jema dito tulad ngayon, night shift siya.."

"Ohhh.. Eh di wala kang katabi? Hahaha.. Dusa yan! Tama balik ka na dito.. Hahanapan pa kita ng katabi gabi gabi hahaha.."

"Gago! Ingay mo naka loudspeaker ka! Marinig ka ng nanay ni Jema.. Dinadamay mo pa ko sa kalokohan mo.."

"Deans, inamo! Wag ako ah! Sa hilig mong yan, imposibleng natitiis mo ng walang ano nung nandito ka at malayo kay Jema! Hahahaha.."

"Hayop ka! Hahaha.. Sige na, matutulog na ko.. Di ka matino kausap, tang ina hahaha.."

"Teka, hoy! Mamaya ka na matulog.. Usap muna tayo boring din dito, wala ka, wala ako mapagtripan.."

"Maghanap ka na lang ng katabi mo dyan, Bea habang wala ako, sulitin mo na! Haha.."

"Wag kang mag alala meron akong katabi. Meron ka nga rin dapat kung nandito ka sana hahaha sayang, Deans!"

"Puta! Di ka talaga matino kausap haha.. Sige na, inaantok na ko.."

"Deans uy.. Seryoso na haha.. Natitiis mo talaga?"

"Na ano? Ayusin mo tanong mo.."

"Yung wala.. Yung walang ano.. Tang ina naman alam mo naman sinasabi ko pinapahirapan mo pa ko.."

"Ano naman kung walang ganon?"

"Ang hirap kaya..."

"Di mahirap yun kung iisipin mo yung asawa mo at anak mo.. Wala ka kasi non kaya di mo ko maintindihan."

"Ay, wow, Deans! Ang sakit ah hahaha.. Pero di pa din ako naniniwala sayo.. Kaya siguro gusto mo na bumalik dito solve na solve ka na ba? Haha.."

"Hoy, gago ka.. Haha.. Wala nga eh. Ikaw nga, pano ka gagalaw ng injured braso mo. Gago ang hirap!"

"Ay pota! Ang hina.. Di makadiskarte! Haha.. Uuwi ka pa ata ditong di man lang naka score.. But don't worry, Deans! Akong bahala sayo hahaha.."

"Ewan ko sayo! Ang gago mo. Di ka matino kausap. Sumbong kita kay Maddie eh. Dinidemonyo mo pa ko."

"Huy, gago! Wag! Pero gagi, Deans.. Ang hot ng makakasama mong architect dito. Bilisan mo ng bumalik habang mainit init pa hahaha.."

"Ang manyak ng datingan puta! Di ka pa rin nagbabago. Mahahanap mo din katapat mong hayop ka! Hahaha.."

"Oh siya, tapos na ko guluhin ka.. Matulog ka na, Deans.. Tiisin mo ng walang katabi hahaha pag balik mo dito sa ayaw at gusto mo gabi gabi kang nasa langit! Hahahaha tang ina!"

"Tang ina ka! Sige na, bye, gago! Good night.."

Langhiyang Bea yun! Kung saan saan napunta yung usapan. Kakamustahin ko lang dapat yung site.. Lakas ng trip putek..

Tumayo na ko.. Pag harap ko sa likod.. Shet!

"Deanna, bakit nandito ka pa? Gabi na baka mabinat ka. Kakagaling mo lang sa lagnat."

Shet! Kanina pa ba si mama Fe dito?!

Nakaloudspeaker pa naman si Bea kanina... Kung ano ano pa naman pinagsasabi ng gagong yun..

"A-ah, ma.. May tinawagan lang po ako.. Tara po, pasok na po tayo sa loob."

"Sige na, umakyat ka na.. Ichecheck ko lang ang mga pintuan.."

"Okay po, ma. Matulog na po kayo agad ah."

Tumango na lang sakin si mama. Umakyat na agad ako sa taas.

Putek! Sana naman di niya narinig yung pag uusap namin ni Bea.. Mamaya kung ano isipin ni mama eh..

Locked AwayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt