67

5.4K 229 53
                                    

D

Looking at my family now, I still don't how we've came this far..

Ang alam ko lang, nagising ako isang araw na pagod na kong maging mahina, na kailangan kong balikan sila Jema. Natakot ako nung umaga na yun, ayoko palang gumising buong buhay ko na wala sila sa tabi ko.

Hindi ko pala kaya...

Bumalik ako sa Cebu ng hindi nagpapaalam sa mga kasama ko. Ang alam ko lang nung umaga na yun, kailangan kong bumalik. Kailangan kong makita si Jema at ang anak ko.

Bahala na kung napatawad na ba niya ko o ano. Basta ang nasa isip ko non, gagawin ko lahat mapatawad lang niya ko..

But, it turned out pareho pala kami ng iniisip ni Jema.. Without any communication, pag balik ko sa Cebu ulit, si Jema agad ang unang nakita ko pag labas ko ng airport. Late ko na nga nasagot yung tawag ni Maddie na nasa airport din pala si Jema pupuntahan din pala niya ako. Pareho pala kami ng nararamdaman, pareho naming ayaw sumuko.

Magkasama na kami ni Jema ng makausap namin ulit sila Maddie. Pinagtagpo pa din kami kahit hindi namin pareho alam kung nasaan ang bawat isa samin ng mga oras na yun..

Pinatawad niya ko agad. Ipinangako ko sa kanya na hinding hindi ko na siya ipapatalo. Hindi ko na iniwan si Jema.

Sinama ko si Jema at ang anak namin pabalik ng Bacolod para ayusin na lang yung mga natirang trabaho ko. Bago bumalik ng Manila, dumaan ulit kami ng Cebu para magpaalam kina mommy at para sa formal resignation ni Jema..

Hindi na muna ako kumuha ng kahit anong project pag balik namin, ganon din si Jema. Nag focus muna kami sa relationship namin at kay Jei jei.

Inenjoy lang namin yung bawat araw na magkasama kami. Inayos namin yung bahay namin, nag bakasyon kung saan saan kasama ang anak namin.

Ginawa namin lahat para maging maayos ulit ang relasyon namin.. Then, we decided to expand our family and we welcomed a baby girl, we named her Jerri. Well, christmas season kasi siya pinanganak. So, merry and Jema, its Jerri..

A year after of giving birth, dun pa lang bumalik si Jema sa trabaho, sabay kami. Gusto ko magkasama kaming mag aalaga sa mga anak namin, lalo na sa bunso namin non.

Pag balik namin sa trabaho, inayos naming mabuti ang schedule namin. We made sure na laging may maiiwang isa samin sa bahay para mag alaga sa mga anak namin. Mahirap itiwala sa ibang tao ang pag aalaga.

Hindi kami kumuha ng kasama sa bahay until Jei jei started schooling. Kami pa din ni Jema ang naghahatid at sundo sa kanya. We gave a set of instruction sa mga  school staff regarding our son, di kasi siya pwedeng maexpose kung saan saan, mahirap na baka biglang atakihin ng allergy niya tapos wala kami.

For years, nagawa namin ni Jema na masubaybayan at maalagaan ang mga anak namin, mas tumibay din ang pag sasama namin. Hindi namin alam kung paano namin nagawa lahat yun.

Ang alam ko lang natuto kaming pagkatiwalaan ulit ang isa't isa at bago magdesisyon nag uusap muna kaming mabuti. At araw araw kong pinipili si Jema at ang mga anak namin.

Hindi na ko humawak ng malalayong project, ayoko ng mapalayo sa kanila. Pag may mga convention kami sa ibang bansa yun lang yung pinakamatagal na mawawala ako. Minsan sinasama ko pa sila para na din makapagbakasyon kami. Natuto kami ni Jema na bigyan ng mas maraming oras ang pamilya namin.

Akala ko nga last na si Jerri. But, one time, when we were out of town for a vacation, yung kami lang ni Jema, she asked me if I wanted an additonal member in our family. At first, nagulat ako.. Akala ko nagbibiro ang asawa ko, ang laki na kasi ni Jei jei at Jerri para sundan at worried din ako for Jema.

Locked AwayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora