26

3.5K 128 13
                                    

J

"Anak, stop crying na ohhh.. Di makapag luto ng dinner si mommy.. Maya maya dadating na din si dada... Tahan na anak, please.."

Pinakain at hinele hele ko na ang anak namin, kinarga karga ko pa siya pero hindi pa din siya humihinto sa pag iyak..

Buti nga nakatulog to pag alis ni Deanna, nagawa ko pang makapaglinis ng bahay.. Pero pag gising niya kanina eto at hindi na huminto kakaiyak.

Kanina ko pa tinatawagan si Deanna pero di niya sinasagot. Ang alam ko dapat kanina pa pauwi yun eh, itatanong ko sana kung anong gusto niyang lutuin ko para sa dinner.

Tinry ko ulit tawagan si Deanna..

And luckily, sinagot na niya ito..

"Hello, wife.. Sorry, nagka emergency lang dito sa site.. Pa out palang kami.."

"Okay lang, baby.. Itatanong ko lang anong gusto mong ulam for dinner.."

"Ahhh, Jema.. Yun nga, magpapaalam ako, lalabas kasi kami kasama yung client namin, okay lang ba, baby? Please?"

Kala ko pa naman maaga na siya makakauwi ngayon, sabay pa naman sana kaming mag didinner sana..

"Wife? Okay lang ba?" tanong niya ulit.

"Of course, baby.. Wag kang iinom ng madami, kumain ka muna ah? Text me pag di ka na makapag drive mamaya. Susunduin kita."

"Thank you, Jema! Di ako gaano iinom.. Wait, is that baby James Dean? Yung umiiyak?" narinig pa niya ang iyak ng anak namin..

"Yes, baby.. Kanina pa umiiyak. Hinahanap ka na naman.."

"Put me on loudspeaker, Jema.. Kakausapin ko.."

Nilagay ko sa loudspeaker ang phone ko at saka nilapit sa anak namin..

"Sige na, Deanna.. Kausapin mo na ang anak mo.."

"Baby James Dean, don't cry na, ha? Di ba, I told you kanina wag papahirapan si mommy, stop crying na, baby.." pagkausap ni Deanna sa anak namin.

And in an instant, tumahan ang anak namin.

"Hay naku, sabi na eh, hinahanap lang ng anak mo ang boses mo. Sige na, baby.. Ingat ka sa pag ddrive. Update me, okay?"

"Yes, my wife. Ingat kayo ni baby dyan. I love you.."

"I love you too, bye.."

So, ako lang pala mag isa na namang kakain ng dinner. Buti hindi pa ako nakakapagluto. Mag bbread na lang siguro ako, wala naman si Deanna.
.
.
.
.
----------

D

"Hey, buti naman nakarating kayo, upo, Deanna, Kim.." bati sa amin ni Mr. Litton pagdating namin sa The Palace. Nandito kami sa isang vip area.

"Syempre naman, sir.. Malakas kayo samin eh.." nambola pa to si Kim.

"Anong drink niyo? Order lang kayo.." tinawag na ni Mr. Litton yung waiter.

Ang dami ng alak at pagkain dito sa table ah? Oorder pa ulit.

"Sir, okay na.. Ang dami na nito ohh." turo ko sa mga alak sa table.

"Kulang pa yan, Deanna. Dadating si Sam at Mich, you know them, right? Excited nga sila ng malamang kasama ka eh."

Wow, makikita ko pala ulit si Sam. Pero si Mich? Naku makikita ko na naman siya.. Ang alam pa naman ni Jema, kami kami lang..

"Yes, sir.. Ayos po pala makikita ko ulit si Sam.."

"Padating na yun, enjoy lang kayo dyan.. Drink and eat all you want, its on me.." ang galante talaga nito kahit kailan kaya nag eenjoy din si Kim sumama pag nag aaya to eh.

Locked AwayWhere stories live. Discover now