41

3.9K 147 8
                                    

J

"Deanna..." tapik ko sa balikat ng asawa ko.

Ang himbing ng tulog niya.. Nakadapa pa talaga siya at naghihilik ng mahina.

Nitong mga nakaraang araw pagkatapos ng birthday ng anak namin, pansin ko maaga ng umuuwi si Deanna. Minsan pa nga di siya pumapasok eh.

May kausap lang siya minsan sa phone. Parang nag bibigay siya lagi ng instruction sa trabaho. Pabor naman sakin na nandito siya lagi, nakakasama namin siya lagi ng anak namin.

"Deanna... Baby... Gising ka na, nakapagluto na ko..." tapik ko ulit sa kanya..

"Hmmmm..." tanging sagot niya.

"Lablab gising ka na... Wala ka bang pasok?" weekday naman ngayon pero tulog na tulog pa din si Deanna.

Di na naman ata papapsok ang asawa ko. Pag hindi siya pumasok aayain ko siyang mamasyal kasama ang anak namin..

Gumalaw siya at nag iba ng pwesto tapos hinila niya ko payakap sa kanya...

"I'm sleepy pa, baby ko... Let's sleep ulit.." nakaulo ako sa dibdib niya habang yakap niya ko.

"Nakapagluto na ko, baby.. Breakfast muna tayo habang tulog pa si Jei jei, pag nagising yun magkukulit na yun."

Si Jei jei nasanay na atang nandito lagi ang dada niya, pagkagising palang si Deanna na agad ang hinahanap at maghapon na makikipaglaro..

"Hmmmm... Sige na nga.." humarap siya sakin at hinalikan ako sa noo...

"Let's go, baby.. Bangon na, breakfast tayo.."

Nauna ako bumangon kay Deanna... Bago pa ko makababa ng kama, hinila niya ako at niyakap ako mula sa likod..

"I love you, wifey..." at inamoy amoy niya pa ko sa leeg..

Humawak ako sa braso niyang nakayakap sakin.

"Ang extra sweet naman ng asawa ko, may kasalanan ka sakin no?" pagbibiro ko sa kanya..

"Uy, wala ah... Tara na, baby.. Breakfast na tayo.." aya niya sa akin..

"Teka, check ko lang si Jei jei..."

"Wag na, Jema... Baka magising pa si Jei jei eh.." at hinawakan na niya ang kamay ko..
.
.
.
.
.
---------

D

Haaaayyy.. Ang hirap naman bumwelo kay Jema. Di ko masabi sabi yung bagong project ko.

Kaninang umaga ko pa gusto sabihin sa kanya pero nandito na kami at lahat sa mall kasama ang anak namin di ko pa din alam paano ioopen sa kanya.

Pano ang saya saya ng asawa ko ngayon. Ang dami niya kinukwento, ang dami niyang sinasabing plans sakin ngayon lalo na summer plans..

Feeling ko masisira ko yung mood niya pag sinabi ko na in two weeks need ko ng umalis at lumipad papuntang Bacolod.

Haaaayyyy...

"Baby? Hey?" tawag sakin ni Jema..

Naglalayag na naman ang isip ko haaay..

"Ah, yes, baby?"

"Sabi ko, kung gusto mo bang kumain? After lunch na ohhh. Di ka ba nagugutom?"

Napatingin ako sa relo ko..

Oo nga, after lunch na. Pag tingin ko sa stroller ng anak namin na tulak ni Jema.. Aba, himala.. Tulog na tulog si Jei jei.

"Jema, ano bang pinakain mo kay Jei jei? Bat tulog na naman?"

Locked AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon