58

3.8K 165 32
                                    

D

"Deanna, wait.. Let me fix your sleeves.."

Humarap ako kay Ara. Inaayos niya ang tiklop ng long sleeves ko. Nawala na kasi sa ayos.

Lumapag na ang eroplano namin dito sa Cebu. Inaantay na lang namin yung mga bagahe namin. Medyo nasa unahan ng baggage carousel sila Bea at Mafe.

Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan.. Isang buwan din akong di nakauwi. Saka di rin alam nila mommy na kasama ko si Ara. Basta ang sabi ko lang may kasama ako bukod kina Bea at Mafe.

Pati yung collar ko inayos na ni Ara.

"Hey, Deanna.. Are you okay? You look tense.." hinaplos niya pa ang mukha ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko.. Tumingin lang ako sa mga mata niya..

"Come here, love." niyakap niya ko.

"Breathe in, breathe out, love.. Everything's gonna be okay.. I promise.." pagpapakalma niya sakin.

Nag aalala kasi ako.. Di ko man lang naisip kung anong magiging reaction nila mommy. Parang I dragged Ara here not knowing kung matatanggap ba siya ng family ko.

"Hey, don't think too much.. Pag di nila ako nagustuhan, that won't make me love you any less.."

"Thank you, Ara.."

"Always welcome, Wong.. Naku.. Masyado kang worried."

"Deans, here's our luggage na.." tawag ni Bea. Dala dala na nga niya yung maleta namin ni Ara.

"Thanks, Bei.." kinuha ko na sa kanya yung maleta namin.

"Ate Deanna, nag book na ko ng grab for us. Nandyan na sa labas."  Mafe said.

"Thanks, Mafs."

"Deanna, let me carry my luggage.."

"Ako na.. Para di ka mahirapan."

Tinulungan na kami ng driver sa mga bagahe namin. SUV pala tong binook ni Mafe. Sabagay ang dami naming dala. We planned to stay here for one week. Para makapagikot ikot na din.

"Ako na sa harap ah.." dumiretso na si Bea sa upuan sa tabi ng driver. Sa likod kaming tatlo. Ako ang nasa gitna ni Ara at Mafe.

Tahimik lang si Mafe, busy sa phone niya. Samantalang si Ara kanina pa ko tinatanong about Jei jei. Ang dami niya kasing biniling gift for Jei jei eh.

"Love, magugustuhan kaya ni Jei jei yung mga binili ko?"

"Of course.. Bata naman yun lahat lalaruin non."

"Ah, Deans. Nandun na si Mads sa inyo kagabi pa siya dumating." Bea said.

"Really, ate Bea? Nandun si ate Maddie?" nagsalita na din si Mafe. Bigla siyang parang sumigla. Kanina pa to sa byahe puro phone ang kaharap eh.

"Yes, nandun na siya. Kagabi pa.. Labas daw tayo tomorrow.." Bea.

"I thought, ngayon din ang dating niya?" sabi kasi ni Mads ngayon flight niya.

"Di ka ba niya na-update ulit? Pinabago niya. Nandun na siya sa inyo kagabi pa." Bea.

"Okay, okay.. Sir, can we go a little bit faster?" bagal kasi ni kuyang driver.

Anong oras na din 10:30 na ng umaga. 11 am ang start ng birthday ni Jei jei. Male-late pa ata kami. Kami kami na nga lang ang bisita eh.

Pinili na lang namin na exclusive ang celebration, para di masyadong madaming tao. Baka maoverwhelm si Jei jei, di pa naman sanay yun na madami ang tao. Mamaya imbes na maenjoy ang party niya, umiyak lang ng umiyak ang anak ko.

Locked AwayWhere stories live. Discover now