40

4.2K 143 35
                                    

D

"Happy Birthday, baby Jei jei!" bati ni Maddie sa anak ko habang karga ko ito.

Tapos na ang program proper.. Nagkakainan at kwentuhan na lang ang lahat sa kanya kanyang table.

Simple lang naman ang hinanda naming first birthday party para sa anak namin. Dito lang sa bahay namin, nagpa set up kami sa garden at nagpa cater na lang.

Family and friends lang namin ang invited para hindi masyadong maoverwhelm si Jei jei sa dami ng tao. Sanay kasi siya na kami kami lang ang kasama.

Pansin kasi namin ni Jema, pag sobrang dami ng tao tapos hindi niya pa kilala, masyadong naooverwhelm ang anak namin at iyak ng iyak. Para siyang iritable agad.

Tulad ng isang beses na bumisita nga si Maddie sa amin, yun yung unang beses na makikita siya ng anak namin. Grabe, iyak ng iyak si Jei jei kahit wala namang ginagawa si Mads sa kanya.

Nakailang bisita pa samin si Maddie bago nasanay sa kanya si Jei jei.. Kaya napagkasunduan namin ni Jema na limitahan yung mga bisita baka imbes na maenjoy ng anak namin eh maghapon lang siyang umiyak.

"Hey, asan muna gift ng anak ko? Di pwedeng bati lang.." inilayo ko si Jei jei kay Mads.

"Grabe ka naman, Deans.. Pahawak lang sa inaanak ko."

"Inaanak your face... Gift muna! Di ba, baby?" si Jei jei walang reaksyon eh.. Nakatingin lang siya kay Maddie.

"May gift ako.. Grabe ka sakin, Deanna.."

"At nasaan muna?"

"Nasa kotse, naiwan ko lang.."

"Late ka na nga dumating, naiwan mo pa sa kotse yung regalo mo sa inaanak mo. Grabe ka, Mads.."

"Iaabot ko mamaya.. Di kasi pwede ihalo sa ibang gift.. Promise, you'll like it.. Baka mahalik halikan mo pa ko pag nalaman mo kung ano yung gift ko.."

"Kadiri ka! Gago!"

"Hoy, don't say bad words, Deans.."

Oh, shit! Nagulat ata si Jei jei.. Bigla siyang umiyak..

Langhiyang, Maddie kasi to!

"Ayan! Ayan, umiyak tuloy si Jei jei dahil sayo.." dagdag pa ni Mads.

"Hey, baby Jei.. Please, don't cry.. Shhhh na, baby.. Magagalit si mommy nyan.." pagpapatahan ko sa anak ko.

Pero shoot! Lalo lang siyang umiyak.. Lagot ako nito kay Jema. Buti medyo malayo siya samin, kausap niya si Jia at sila Kim sa isang table.

"Lagot ka kay Jema, Deans! Hala ka!"

"Tulungan mo kaya ako patahanin inaanak mo?" kakainis to si Mads nang iinis pa eh..

"Ano yan, ha?! Pinapaiyak niyo pamangkin ko ahhh.." shet, Mafe! Aatakihin ako sa puso sa gulat.

"Pinaiyak ni Deans si Jei jei.." turo ni Maddie sakin.

"Langhiya ka, Mads.. Sinisi mo pa ko.. Ikaw tong nagpipilit kunin si Jei jei.."

"Uy, hindi ahhh.. Bigla ka kayang nagmura kaya umiyak si baby.." shoot, Mads! Nilaglag mo pa ko sa harap ni Mafe!

Lagot na talaga ako nito...

"Ate Deanna??? What the? Ate Jemaaaaaa...." nalintikan naaaaaa...

Nakita ko sa gilid namin na lumingon samin si Jema.. Okay, tatanggapin ko na ang kapalaran koooo..

Pati si mommy at ate Cy nakita kong tumayo sa upuan nila at palapit sa amin...

"I'm so doomed..." yun na lang ang nabulong ko sa sarili ko...

Locked AwayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora