63

4.3K 154 33
                                    

D

Tulog na silang lahat pero ako, hindi pa rin ako makatulog...

Bumangon ako at lumabas sa balcony.. Tumingin ako sa itaas, sa mga bituin sa langit..

Kapag may gusto ako o hiling sa buhay ko palagi akong nakatingin sa itaas, sa mga bituin na to, umaasa na sana pakinggan niya ko..

Ilang beses ko bang hiniling na sana siya ang makasama ko hanggang dulo? Hindi ko na mabilang.. Lagi at laging siya ang laman ng mga pangarap ko sa tuwing titingin ako sa langit.

Umasa ako na siya na... Kasi sayo ko siya hiningi. Ibinigay mo at inilayo. Tapos ibinalik mo ulit sakin. Pero kahit gaano pa namin ipinaglaban ang isa't isa, dito pa rin kami humantong. Nawala pa rin siya sakin.

Baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa, pinilit lang namin. Kaya pareho kaming naubos, pareho kaming napagod.

Hanggang dito na lang siguro kami. Ang mahalaga nagkaroon kami ng pagkakataong mahalin ang isa't isa.

----------

J

Akala ko pag minahal at ibinigay ko ang lahat sapat na yun para maging matibay kami sa lahat ng pagsubok.

Mali pala ako..

Nakilala ko siya sa panahong kailangan ko ng makakasama, hindi niya ko iniwan, minahal at pinasaya niya ko araw araw. Pero ano ang ipinalit ko sa lahat ng yun? Iniwan ko siya sa panahong ako naman ang kailangan niya.

Siguro kung hindi ko siya iniwan non, wala siguro kami sa sitwasyon na to.

Nung makita ko siya ulit, hindi na ako ang kailangan niya. Hindi na ko umasa ng pangalawang pagkakataon para saming dalawa.

Pero nahanap namin ulit ang isa't isa sa lugar kung saan kami nangako na magkikitang muli.

Umasa ako na yun na ang simula ng habang buhay na kasama siya..

Ilang beses ko namang pinatunayan na hinding hindi ko na siya iiwan, ilang beses ko siyang pinaglaban at di sinukuan. Pero bakit lagi akong talo?

Hanggang dito na lang siguro kami. Ayoko ng masaktan, pagod na kong matalo sa laban na to. Hanggang dito na lang ang kaya ko. Kailangan ko na siyang bitawan.

Locked AwayWhere stories live. Discover now