16

3.7K 142 20
                                    

D

"Deans, kamusta na si Jema?"

"Ayun, hirap ng gumalaw, Kim.."

Nandito na kami sa hotel room namin ni Kim. Kami ang magkasama sa room. Bukas ng umaga yung convention namin.

Pagdating namin kanina nagkayayaan pa lumabas kaso di na ko sumama. Gusto ko na mag ayos ng gamit para matawagan ko na si Jema, nag aalala kasi ako eh.

"Ang laki ng tyan ni Jema, Deans. Kambal ba anak niyo?"

"Sira hindi... Matakaw lang talaga si Jema. Kain ng kain eh."

"Kain ba ng kain? Pinapakain ka pa ba, Deans? Hehe.."

"Gago! Di na nga eh.. Haha.."

"Dusa yan, dude! Haha.. Ilang months pa ba si Jema?"

"4 months pa.. Matagal tagal pa ang pagtitiis haha.."

"Good luck sayo, dude! Alam niyo na gender ng baby niyo?"

"Nope.. Pag balik ko pa, sa next check up ni Jema."

"Yown oh! Gender reveal na pala si mommy at dada ah.. Good luck, Deans.. Sana lalaki hehe.."

"Sana nga.. Mas okay na lalaki ang pinaka matanda. Para siya ang tagapagtanggol."

"Mukhang madami ang gustong anak ah..

"Sayang lahi, damihan dapat!"

"Iba ka talaga! Idol! Good luck kay Jema! Hahaha.."

"Kayang kaya ni wifey yun!"

"Tara, Deans.."

"Anong tara?"

"Nag message sila Ysa, nasa bar daw sila. Tara kahit konti lang."

"Sige na, kayo na lang. Tatawagan ko pa si Jema eh. Baka di pa kumakain yun."

"Sure ka, Deans? Konti lang naman."

"Sige na.. Ayoko din. Magagalit si Jema sakin."

"Okay, sabi mo eh.. Labas na ko. Sunod ka na lang pag nagbago isip mo."

"Keycard mo wag mo kalimutan. Di kita pagbubuksan bahala ka."

"Yeah, bye, Deans.. Haha.."

Loko loko talaga yun si Kim, inaya pa ko uminom. No way! Di na ko magpapadala sa inom inom na yan na konti lang. Mamaya wala na kong uwian na asawa at anak pagbalik ko. Ayoko!

Pag tapos ko mag ayos ng gamit, humiga na muna ako. Nakakapagod yung flight namin, sobrang delayed.
.
.
.
.
----------

J

"Ate, okay ka lang? Tulog ka na kaya? Gabi na oh.. Napupuyat din si baby pamangkin ko sayo eh."

"Kainis naman kasi si Deanna eh! Kanina ko pa tinatawagan di sinasagot. Online naman siya."

"Praning ka lang, ate.. Di ba sinabi naman sayong delayed flight nila kanina. Baka nakatulog yun sa pagod. Matulog ka na. Isusumbong kita kay mama bukas nagpupuyat ka."

"Manuod ka na lang dyan, pinapakialaman mo pa ko eh.."

"Kanina ka pa sa phone mo, masama sa baby yung radiation nyan. Lagot ka kay ate Deanna!"

Di ko na siya pinansin, tuloy lang ako sa pag contact kay Deanna. Nag aalala ako eh. Kanina pa yung huling message niya sakin.

"Deanna!" yey! Sinagot niya din..

"Baby, sorry... Nakatulog ako. I just woke up from your call."

Naka video call kami ni Deanna. Halata ngang kakagising niya lang, halos di niya maidilat yung mga mata niya eh. Antok na antok siya.

"I'm sorry, baby.. Naistorbo kita. Sleep ka na ulit."

"Its okay, baby. Tatawag din talaga dapat ako, nakatulog lang ako. Kumain ka na ba?"

"Yes, baby.. Tapos na. Ikaw?"

"Kanina pa, baby. Sleep ka na, gabi na pala. Bawal magpuyat sayo. Nandyan na ba sila mama?"

"Si Mafe lang. Bukas pa dadating si mama, baby. May inasikaso pa eh. Labas kami bukas, baby?"

"Sige, wife.. Basta ingat kayo ah? Si Mafe mag ddrive, ha?"

"Opo, baby ko.. Sinong kasama mo dyan sa room?

"Si Kim. Kaso wala siya eh. Lumabas sila."

"Oh? Bakit di ka sumama, baby?"

"Ayoko, baby.. Inuman lang yun. Gusto ko pang may uwiang asawa at anak pag balik ko. And I wanna call you nga, nakatulog lang ako."

Nakakatouch naman.. Simula ng malaman naming magkakababy na kami mas naging responsible si Deanna, lagi niyang iniisip muna ako at yung baby namin bago siya gumawa ng decision.

Di na din siya yung basta basta sasama sa inuman o sa mga aya ng clients nila. Ayaw na daw niya uminom kung di naman ako kasama. Alam mo yung ingat na ingat siya, ayaw niya kong na sstress at nagtatampo man lang, inaalala niya ko at yung kalagayan ng baby namin.

"I love you, baby.." ang swerte ko kay Deanna.

Di siya perfect pero gumagawa siya ng paraan para matutunan lahat. Para maging responsable.

"I love you too din po my wife."

"Baby, pasalubong ah? Hehe.."

"Ano bang gusto ng baby ko?"

"Masarap daw piaya dyan, baby.."

"Sige magdadala ako pauwi, isang box hehe.."

"Grabe ka naman, baby.. Ano ako? Matakaw?"

"Di pa ba, wife? Peace po.."

"Sumbong kita kay baby.. Inaaway mo ko.."

"Uy, grabe.. Wag.. Baka magalit sakin si baby.."

"Pwes, mag behave ka dyan para di kami magalit sayo ni baby at yung pasubong namin ah.."

"Behave ako dito.. Yes po, di ko kakalimutan. 1 box of piaya for my wife! Hehe.."

"Oh, siya, sige na baby.. Sleep ka na dyan. Maaga pa convention niyo bukas."

"Ikaw din my wife, sleep na po. Napuyat na si baby ohh.."

"Good night, baby ko.. I love you! Ingat ka dyan ah."

"Opo, wife.. Good night po at kay baby.. I love you too!"

Haaaay... Namimiss ko na agad si Deanna. Di ako sanay na di siya katabi matulog.

"Ate, Sleep ka na. Nakausap mo na si ate Deanna." hay, sige na nga. Pipilitin ko na makatulog, late na din eh.

"Sige, tulog na ako.. Ikaw na bahala dyan ah? Ligpitin mo yang mga pinagkainan mo at tanggalin mo sa saksak yung tv after mo manuod."

"Opo, ate. Sige na. Ako na bahala dito."

Buti na lang may kasama ako dito. Nag leave pa talaga si Mafe para masamahan ako.. 5 days pa bago makauwi si Deanna.. Haaaayyy..

Locked AwayWhere stories live. Discover now