18

3.9K 139 5
                                    

D

"Baby, anong gusto mo boy o girl yung first baby natin?" tanong ni Jema sakin.

On the way na kami papuntang hospital. Ngayon ang check up niya at malalaman na din namin mamaya kung anong gender ng baby namin.

"Syempre gusto ko boy.. Mas matutuwa si dad pag boy ang panganay ko."

Sana talaga lalaki first baby namin. Mas matutuwa si dad pag baby boy ang first apo niya.. Tradition na kasi sa family namin yun eh, mas okay talaga pag lalaki ang unang anak.

"Panong kung girl, baby?"

"Okay lang naman kung baby boy o baby girl eh, anak pa din naman natin siya Jema. Mas okay lang talaga kung baby boy, alam mo na tradition sa family namin."

"I know naman.. But, I hope, matanggap pa din nila kahit hindi baby boy."

"Oo naman, Jema.. Apo pa din naman nila yan.. Don't worry na asawa ko. Akong bahala."

Hindi pa nga lumalabas ang baby namin nag aalala na agad si Jema. Halatang halata naman eh. Ilang beses na kaya niya to tinanong sakin.

Wala namang problema kung anong gender ng baby namin. Anak pa din naman namin yun.
.
.
.
.
.
"Doc, kamusta po, baby namin?" tanong ko sa doctor.

Nandito na kami ngayon sa hospital at kasalukuyang chinecheck ng doctor si Jema. May iniikot siya sa tyan ni Jema, then, may image sa monitor sa gilid namin.

"Healthy naman si baby, don't worry.." sagot ng doctor habang nakatingin sa monitor.

"Ready for your baby's gender?" dagdag pa ni doc.

Naexcite ako bigla.. Gusto ko na malaman kung baby boy ba o baby girl..

"Yes, doc! Yes! Please.. We're excited to know po." sagot ni Jema.

"All right.. See this? And this.." may tinuro si doc sa monitor.

"Anong ibig sabihin nyan doc?" I'm so anxious to know. Bakit pasuspense pa si doc?

"It's a baby boy!"

What? Tama ba rinig ko kay doc???

"Talaga, doc? Baby boy ang anak namin?!" grabe parang nagtatatalon ang puso ko sa tuwa!

"Yes! It's a baby boy. Congratulations!"

"Yes! Yes! It's a boy, Jema! Yes!" tuwang tuwa ako, niyakap ko ng mahigpit si Jema kahit nakahiga pa siya.

"Yes, baby! Ayan ah, baby boy ang anak natin!"

"Thank you, Jema! Sobra! I love you!" hinalikan ko siya sa labi kahit pa nasa harap kami ni doc. Sobrang saya ko talaga!

Nag bilin pa ng konti si doc at saka kami umalis ni Jema.

"Baby, I can't wait to tell mom and dad! Let's tell them na.."

"Relax, baby.. We will tell them. Focus driving muna."

I can't contain my emotions. Huminto ako sa gilid ng daan..

"Oh, baby? Bakit ka huminto?" takang taka si Jema.

Humarap ako sa kanya at niyakap siya.

"Jema, thank you.. Sobra!" naiiyak talaga ako sa sobrang saya.

"Umiiyak ka ba, Deanna?"

"I love you, Jema.. Thank you kasi bibigyan mo ko ng anak.. Tapos baby boy pa. Thank you, Jema sa lahat lahat. Ang swerte ko sayo, sobra!" tuluyan na talaga akong umiyak.

Sa lahat ng pinagdaanan namin. Eto na at magkakaanak na kami. Bibigyan ako ni Jema ng unang lalaking anak. Unang lalaking apo sa pamilya namin. Malaking honor to kay dad.. Sigurado akong matutuwa si dad pag nalamang lalaki ang magiging unang apo niya.

Locked AwayWhere stories live. Discover now