Special Chapter

5K 156 40
                                    

J

"Mommyyy..." parang nagulat pa si Jei jei pagkakita sakin.

"What are you doing here anak? Hindi dito ang klase mo di ba?"

Ano nga bang ginawa nito dito. Hindi naman dito ang klase niya. Algebra ang klase niya ngayon. I have a copy of his schedule.

Well, Jei jei passed the entrance exam. Mataas nga ang nakuha niyang average. So, he got qualified in all his chosen program. Nalilito pa nga siya nung una sa kukunin niya pero pinili niya yung premed course ko dati.

Kaya nung sinamahan ko na siya mag enroll at mag asikaso ng mga requirements niya, nakita ko pa sa department namin yung mga dati kong prof, grabe ang tagal na pero nandun pa din sila.

Nung nandun ako inofferan ako ng chairperson namin ng teaching profession, subukan ko daw kahit isang subject lang.

Kinausap ko muna si Deanna bago nag decide, very supportive naman siya. Sabi niya kayang kaya ko daw yun. I accepted the offer, isang subject lang ang kinuha ko muna, dalawa kasi yung binibigay agad nila sakin. Susubukan ko muna kung kakayanin ko. First year subject ang kinuha ko, yung basic muna.

"Dude! Wala sa loob yung chicks mo.. Tara na, male-late na tayo.." tawag sa kanya ng isang estudyante na kakalabas lang sa kabilang pinto nitong klase ko.

"Jei jei???" I gave him a questioning look..

"Ah-ahhh, mommyyy, late na ko.. Byeeee.." nag beso siya sakin ng mabilis at patakbong umalis..

Humanda sakin yun pag uwi talaga. Anong oras na, kung saan saan pa nagpupunta.. First sem pa lang marunong na agad ma-late sa klase niya.
.
.
.
.
.


----------

"Ang ingay mo naman, dude! Sinigaw mo pa talaga.."

"Bakit ba? Eh sa wala dun yung chicks mo.."

"Narinig ka ni mommy ano ka ba.. Lagot ako nito pag uwi eh."

"Malay ko ba.. Yun ba, mommy mo? Ang chicks, haha!"

"Eh kung sinasapak kita ngayon?"

"To naman, di mabiro.. Sorry na.. Ganda ng mama mo, dude!"

"Syempre! Mommy ko yun eh.. Maganda talaga yun. Umayos ka nga, pati nanay ko pinagnanasaan mo. Bugbugin kita eh!"

"Relax, dude.. Inaappreciate ko lang beauty ni mommy doc.. Hehe.."

"Gago! Ginawan mo pa ng nickname mommy ko, burahin kita sa mundo eh. Tumahimik ka na.. Ang ingay mo.. Makinig na tayo.."

"Grabe ka naman sakin dude.. Teka lang, dude.. Lecture lang yan, pwede naman tayo magpaphotocopy ng notes. Kayo na ba ni Jen? Dali share mo naman."

"Sira ulo ka ang ingay mo.. Di pa kami pero dahil pogi tayo alam mo na! Hahaha.."

"Hahahaha that's the spirit dude!"

Sabay napahalakhak ang dalawa at nag apir pa. Dahilan para makagawa sila ng ingay..

"Boys at the back, what's so funny? Can you share it in the class? Para matawa din kami. Mukhang alam na alam niyo na tong Algebra ah?"

"I-I'm sorry, ma'am..."

"Wong, right?"

"Yes, ma'am.."

"You look like someone I knew before..."

"Ganun ata talaga ma'am pag pogi..." at nagtawanan ang buong klase...

-----------

D

"Dada!"

Napatayo ako agad sa swivel chair ko..

"Hey, Jerri... Bakit nandito ka na?" sinalubong niya ko ng yakap.

"Eh dada, half day lang pala kami sa school ngayon."

"Bakit di mo ko minessage anak? Para nasundo na kita."

"Dada, kanina pa kita minimessage at tinatawagan kaso busy ka ata. Nakakatampo ka dada, mas importante na ba sakin yung laptop mo?" ayyy, parang mommy niya magtampo naku.. Hehe.

"Ayyy, ang baby ko nagtatampo. Sorry na po, naka silent ata yung phone ko. Pero naka alarm naman yun sa supposedly pick up time ko sayo sa school."

Malapit lang dito sa office namin ang school ni Jerri para sabay kaming papasok at uuwi. Dun din nag aral si Jei jei ng grade school at high school, nakakamiss na nga ang kakulitan nila ni Jerri pag papasok at pauwi kami.

Nakakamiss na yung bonding naming tatlo, madalas bago umuwi dadaan muna kami sa mall para mag snack o minsan manunuod ng movie, dadaanan na din namin ang mommy nila minsan sa ospital pag pwede si Jema.

Kaso ngayon, si Jei jei sa Manila na nag aaral, nagtuturo na din si Jema dun, naduduty pa din naman si Jema pero konting oras na lang, sa hapon sa Manila na siya para sabay sila pauwi ni Jei jei. Kaya silang dalawa na ang magkasama dun at kami naman ni Jerri dito. Parang pinaghatian namin yung mga anak namin hehe.

Lambing talaga ni Jerri, di na umalis sa pagkakayakap sakin..

"Dada, di na ko baby..."

"Baby pa din kita.. Forever baby ko kayo.."

"Helloooo..." katok ni Kim.

"Tita Kim, hellowwww..."

"Hi, Jerri.. Ayaw mo na pakawalan dada mo ah."

"Ako bantay ni dada, tita.. Bawal to lapitan o ngitian ng kahit sino lalo na ng mga babae.. Lagot sakin yun, tita.." natatawa na lang kami ni Kim dito kay Jerri.

"Naku, ikaw talaga anak.. Kim, anong meron?"

"Maglalunch kami, sama kayo?"

"Ah, hindi na.. Half day na muna ako. Wala naman na tayong meeting or anything today di ba?"

"Wala naman, Deans.. Mukhang idadate ka ni dada mo, Jerri ah?"

"Dada, dadate mo ko? Hihihi.."

"Oo... Let's go, date tayo hehe.."

"Oh siya, sige.. Ingat kayo sa date niyo. Kakain na kami." paalam ni Kim.

"Sige, Kim.."

"Bye, tita...."

"So, saan gusto pumunta ng baby Jerri ko?"

"I'm hungry, dada.. Pizza tayo and movie date please.."

"Sure, baby... Lika na.. Maiinggit na naman ang mommy mo for sure.."

"Uwian natin sila ng pasalubong, dada lalo na si Dani.."

"Of course baby ko..."

Wooohhh! A movie date with my daughter.. 😊

Locked AwayWhere stories live. Discover now