55

3.7K 160 70
                                    

D

"No... No.. No!"

"Wake up, Deanna! Wake up!"

"Ahhhhhhh! Jei jei!"

"Calm down, Deans.. Nananaginip ka lang. Ikukuha kita ng tubig.."

Arrggghhh! Nakatulog na pala ako dito sa office..

"Where's my phone, Bea?"

"Here.. Kuha lang akong tubig.."

Tinawagan ko agad si mommy..

"Deanna, anak. Napatawag ka?"

"How's Jei jei, mom?"

"He's fine, anak.. Don't worry. Inaalagaan namin siyang mabuti dito."

"Di ba siya inaatake ng allergies niya? Mom, please.. Tignan niyo siyang mabuti. Baka nahihirapan na naman siyang huminga."

"Anak, don't worry na.. Lagi namin siyang chinicheck. Regular din naman ang punta niya sa doctor."

"Nasaan pala si Jei jei, mom?"

"Nandun sa garden.. Kasama ang dad mo at ate Cy mo."

"Mommy, you're aware naman na may pollen allergy siya."

"I know, anak.. Alam mo namang inayos namin ang buong bahay para sa apo ko. Wag ka na mag alala. Lagi naman kita ina-update."

"Okay, mommy. Nag aalala lang ako."

"Deanna, anak.. Nagpupunta ka ba sa doctor mo?"

Haaaayyyy...

Hindi ko alam ang isasagot kay mommy..

"Deanna... Please, alagaan mo ang sarili mo dyan."

"I know, mom.. Take care of Jei jei, mommy.."

"I will.. Uuwi ka ba dito this weekend? Birthday na ng anak mo.."

"Uuwi ako mommy.. May ticket na ako.."

"Good, anak.. Sige na, baka may ginagawa ka dyan. Wag mo masyadong pinapagod ang sarili mo."

"Okay, mom.. Ingat kayo dyan. Bye.."

"Here's your water, dude.. Okay ka lang?"

Umupo siya sa upuan sa harap ng table. Di ko namalayan na nakatulog na ko dito kanina.

"Okay lang ako.."

"You don't look fine. Balik ka na kaya sa room natin? Ako na dito. Wala namang tayong masyadong gagawin ngayon."

"I'm okay, Bea. May need pa kong ireview sa mga punchlist natin."

Binuksan ko yung laptop sa harap ko. Nap time is over, back to work na ulit.

"Pinapagod mo masyado ang sarili mo. Di mo naman kailangan madaliin yan. Saka bakit ba ginagawa mo yan? Ipagawa mo na lang sa safety natin yan." isinara ni Bea ang laptop sa harap ko.

"Deanna.. Tapusin mo na ang paghihirap mo. Its been what, ha? Its been almost 1 year. Galit ka pa rin ba? May galit pa din ba dyan sa puso mo? Don't you think its about time to talk to Jema?"

"Ayokong pag usapan yan."

Napapikit na lang ako at napahawak sa ulo ko. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko.

"Nadala ka lang ng galit mo, Deanna.. Hindi mo pinakinggan si Jema. Basta mo na lang inalayo sa kanya ang anak niya."

"Anak ko, Bea! Anak ko! Wala akong pakialam kung ano pang paliwanag niya! Muntik ng mawala sakin ang anak ko! Alam mo ba yun, Bea ha?!" napasuntok na lang ako ng malakas sa mesa.

Locked AwayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt